Maging positibo pa rin – Gaston
- Published on December 9, 2020
- by @peoplesbalita
SIYAM na buwan sa buwang ito ang Coronavirus Disease 2019 o Covid-19 na pumerwisyo sa mundo sapul noong Marso ng taong ito.
Pero hindi pinanghihinaan ng kalooban si University Athletic Association of the Philippines (UAAP) volleyball star Pauline Marie Monique ‘Ponggay’ Gaston, 23-anyos, dalaga at may taas na 5-10.
Sa Instagram account post niya nitong isang araw lang, rumampa ang Ateneo Queen Lady Eagle sa bubong ng kanilang tahanan, tumingala sa kalangitan at puno ng pag-asang nanalanging bubuti pa rin ang lagay sa daigdig sa mga parating na araw.
“Better days are coming,” litanya ng anak na dating Philippine Basketball Association (PBA) player at opisyal ng Games and Amusements Board (GAB) na si Matthew ‘Fritz’ Gaston. (REC)
-
Binata laglag sa selda sa baril sa Valenzuela
BAGSAK sa kalaboso ang isang lalaki matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril nang salakayin ng pulisya ang kanyang bahay sa bisa ng isang search warrant sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/Gen. Rizalito Gapas, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang suspek na […]
-
Pakikipag- ugnayan sa One Hospital Command Center, importante – Malakanyang
HINIMOK ng Malakanyang ang mga mamamayan na lalo na ang mga nangangailangang magdala ng kanilang mga kaanak sa ospital na dumulog sa One Hospital Command Center. Ang paghikayat na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay bunsod ng marami na aniya talagang punong mga ospital at sadyang mahirap maghanap ng pagamutang maaaring pagdalhan sa […]
-
Posible kayang mag-join sa Miss Universe PH?: GABBI, kinagiliwan ng netizens ang pag-a-ala-beauty queen
HINANGAAN ng marami ang pagiging supportive father ni Jestoni Alarcon sa anak na si Angela Alarcon dahil tinulungan niya itong makahanap ng tamang match sa EXpecially For You segment ng ‘It’s Showtime.’ Inamin ni Angela na very strict daw ang kanyang daddy pagdating sa mga manliligaw niya. Mensahe ni […]