Magkapatid na bebot timbog sa P.5M droga sa Caloocan
- Published on June 5, 2024
- by @peoplesbalita
NASAMSAM ng pulisya sa magkapatid na ginang na sangkot umano sa pagtutulak ng droga ang mahigit P.5 milyong halaga ng shabu makaraang maaresto sa buy bust operation sa Caloocan City, Martes ng umaga.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas Pinky, 54 ng Brgy. 5 at alyas Lucel, 46 ng Malolos, Bulacan.
Ayon kay Col. Lacuesta, ikinasa ng mga operatiba ng Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Restie Mables ang buy bust operation kontra sa mga suspek matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities ng mga ito.
Matapos tanggapin ng mga suspek ang P6,500 marked money na kinabibilangan ng isang tunay na P500 bill at anim pirasong P1,000 boodle money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad silang inaresto ng mga operatiba sa Jacinto St., Brgy. 5.
Ani Lt. Mables, nakumpiska nila sa mga suspek ang humigi’t kumulang 77 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P523,600.00, buy bust money, cellphone at coin purse.
Sinabi ni Col. Lacuesta na sasampahan nila ang mga suspek ng kasong pagsasabuwatan, pag-iingat at pagbebenta ng ilegal na droga sa ilalim ng R.A. 1965 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa piskalya ng Lungsod ng Caloocan.
Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas ang Caloocan police sa kanilang pagsisikap para mahuli ang mga taong sangkot sa pagpapakalat ng ilegal na droga na nagresulta sa pagkakatimbog sa mga suspek. (Richard Mesa)
-
Zero allocation para sa gumagawa ng health supplies, PPEs sa ilalim ng 2021 nat’l budget – solon
WALANG nakalaang pondo para sa subsidiya sa mga local manufacturers ng health supplies at personal protective equipment (PPEs) sa ilalim ng P4.5- trillion proposed 2021 national budget. Pag-aamin ito ni Bukidnon Rep. Manuel Zubiri plenary deliberations ng Kamara sa proposed budget ng Department of Trade and Industry (DTI) sa pagtatanong ni Gabriela partylist Rep. […]
-
P100 milyong ayuda ng Metro Manila mayors sa nasalanta ni ‘Odette’
Mula sa konseptong “We Vax as One”, nagkasundo ang Metro mayors na hindi lang sa pagbabakuna sa labas ng kanilang nasasakupan, niyakap na rin ang pagtulong sa iba pang local government units (LGUs) na naapektuhan ng bagyong Odette. Sa pamamagitan ng ipinasang resolusyon ng Metro Manila Council (MMC), nagkaisa ang mga alkalde na […]
-
Approach ni PDu30 sa WPS, gumagana
GUMAGANA ang “approach” ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa usapin ng West Philippine Sea lalo pa’t wala namang teritoryo ng bansa ang nakuha ng China simula nang maupo siya sa puwesto. Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesman Harry Roque ay tugon sa suhestiyon ni Vice President Leni Robredo na kailangan ang multilateral approach […]