• April 24, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magkapatid na Mocon bobrotsa para sa RoS

MAGIGING magkakampi pala ang magkapatid na Javee at Kenneth Mocon sa Rain or Shine sa pagsambulat ng 46th Philippine Basketball Association Phiippine Cup 2021 sa darating na Linggo, Abril 18 sa Ynares Center sa Antipolo City.

 

 

Kapuwa produkto ng San Beda University ang dalawa kung saan naging third round pick ng Elasto Painters si Kenneth noong isang Linggo sa Online 36th PBA Draft 2021 sa TV5 Media Center sa Mandaluyong.

 

 

Maaring mag-1-2 si Kenneth, samantalang kilalang defender at scorer si Javee na isa sa mahalagang bahagi ng rotation ni dating RoS coach Carlos Garcia, ngayo’y active consultant na ng mga magpipintura.

 

 

Sa unang opisyal na aktibidad niya bilang bagong coach, umaksiyon agad ni Chris Gavina para sa kakulangang armas ng E’Painters.

 

 

Malambot ang frontline ng team na pinagrerelyebuhan nina Beau Michael Vincent  Belga at Jewel Ponferada, tinapalan ng prangkisang Raymond Yu-Terry Que nang kalabitin sa No. 5 overall si Santi Santillan.

 

 

Yakang-yakang umiskor ng big man dati ng De La Salle University-Taft, bukod pa sa may depensa na swak kina Belga at Ponferada.

 

 

Guards na ang sumunod na hinigot ng pintura, halatang puntiryang pagaangin ang playmaking job ni Rey Nambatac para mas masandalan sa opensiba.

 

 

Sa second round, tinawag pa ng RoS sina Franky Johnson, Anton Asistio at Andrei Caracut. Pagkaraan ni Mocon, kinuha rin si RJ Argamino at Philip sa fourth at fifth rounds.

 

 

Tumitirada sa labas ang mga na binunot na guwardiya ni Gavina, kaya dumami ang diskarte sa opensa ng team.

 

 

Aabangan ng Opensa Depensa kung tama ang mga pinaggagawa ni Gavina.

 

 

Subaybayan po ninyo ang RoS sa papasok na buwan. (REC)

Other News
  • Pacquaio vs Garcia pinaplantsa

    SA matunog na upakan nina eight-division world men’s boxing champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao at World Boxing Council (WBC) interim lightweight champion Ryan Garcia nitong mga nagdaang linggo, ibinunyag naman nitong Biyernes ni MP Promotions President Sean Gibbons ang pagsisimulan ng usapan negosasyon ang dalawang kampo.     “They are ongoing and hopefully things will workout,” […]

  • Panawagan ni PDu30 sa mga senador, hayaan ang business sector na hawakan ang Malampaya deal

    KINASTIGO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Senate resolution na nagrerekomenda na sampahan ng kaso si Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi at iba pang opisyal na may kinalaman sa di umano’y maanomalyang pag-apruba sa “sale of shares” sa Malampaya gas field.     Sa isang kalatas, nagpahayag ng matinding pag-aalala si Pangulong Duterte […]

  • BEST tankers tagumpay ang kampanya sa PSI National Open

    MAGARBONG tinapos ng Behrouz Elite Swimming Team (BEST) ang kampanya nito matapos sumiguro ng tatlong ginto, dalawang pilak at isang tanso sa huling araw ng 2022 Philippine Swimming Incorporated (PSI) National Open na ginanap sa Rizal Memorial Swimming Pool sa Malate, Manila.     Pinakamaningning si Brent International School standout Micaela Jasmine Mojdeh na nakahirit […]