Magkapatid timbog sa P340K shabu
- Published on March 3, 2020
- by @peoplesbalita
ARESTADO ang isang bebot at ang kanyang kapatid na kelot matapos makumpiskahan ng nasa P340K halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Valenzuela city, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ng bagong hepe ng Valenzuela City Police na si P/Col. Fernando Ortega ang mga naarestong suspek na si Khalillah Dagalangit, 23, at kanyang kapatid na si Jamil Dagalangit, 22, kapwa ng Tala, Caloocan City.
Ayon kay P/Col. Ortega, dakong alas-4 ng hapon nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna nu P/Capt. Segundino Bulan Jr. ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Gen. T. De Leon, ng lungsod sa koordiansyon sa PDEA.
Nagawang makapagtran-saksyon ng isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer sa mga suspek ng isang sachet ng shabu kapalit ng P1,000 marked money at nang magkaabutan na, agad sumugod ang back-up na mga operatiba saka dinamba ang magkapatid.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t-kumulang sa 50 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P340,000 ang halaga, buy bust money, P500 cash, tatlong bundles ng empty plastic sachets, isang digital weighing scale, cellphone, at sling bag.
Kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga naarestong suspek. (Richard Mesa)
-
PTFoMS, hiniling sa PNP na imbestigahang mabuti ang pagpatay sa dating journalist na si Gwenn Salamida
HINILING ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) sa Philippine National Police (PNP) na masusing imbestigahan ang pagpatay sa dating journalist Gwenn Salamida nitong nakaraang araw ng Martes. Sinabi ni PTFoMS Executive Director Undersecretary Joel Sy Egco, na bagama’t walang kinalaman o kaugnayan ang motibo ng pagpatay kay Salamida sa kanyang dating journalism […]
-
Senator Tulfo binatikos DSWD sa — libu-libong contractual employees
MARIING binatikos ni Sen. Raffy Tulfo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa libu-libong social workers na hindi pa rin nare-regular kahit pa halos isang dekada nang nagtatrabaho sa ahensiya. Sa pagdinig ng panukalang 2025 budget ng DSWD, sinabi ni Sen. Tulfo na maraming kawani ng ahensiya ang magreretiro pero […]
-
Kasama ang mga makahulugang mensahe: KC, ibinahagi ang ‘di malilimutang regalo na binigay ni SHARON
NOONG Mother’s Day, ipinakita si KC Concepcion sa kanyang YouTube vlog ang ilan sa mga hindi malilimutang regalo na natanggap niya mula kay Megastar Sharon Cuneta, kabilang na dito ang mga magagandang alahas. Ayon kay KC, tradisyon na sa kanilang pamilya na ipasa o ipamana ang mga alahas, na kung saan nakatanggap siya mula sa […]