Magkapatid tinuhog ng sariling ama
- Published on December 16, 2020
- by @peoplesbalita
“WALANG makikinabang sa inyo kung hindi ako lang”
Ito umano ang sinasabi ng 54-anyos na tricycle driver habang ginugulpi ang 20-anyos na dalagang anak makaraang tumanggi na ang biktima sa umano’y paulit-ulit na ginagawang panghahalay sa kanya ng sariling ama sa Malabon City.
Dahil dito, napilitan nang ipagtapat ng biktimang itinago sa pangalang “Lucy” ang panghahalay ng kanyang ama na itinago niya sa matagal ding panahon sa takot na totohanin ng ama ang banta na may mangyayaring masama sa kanila sa oras na magsumbong siya kaninuman.
Kaagad na humingi ng tulong sa barangay at pulisya ang ina ng dalaga na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek kamakalawa na naging dahilan upang maglakas na rin ng loob ang 16-anyos na kapatid ni Lucy na lumutang at magsumbong sa ginagawa ring panghahalay sa kanya ng sariling ama.
Napag-alaman na ang pinakahuling insidente ng panghahalay kay Gloria ay noong Biyernes ng umaga at batay sa ginawang pagsusuri na isinagawa sa kanya ng medico-legal ng Northern Police District (NPD) Crime Laboratory, positibong hinalay ang dalaga na hindi lamang minsang naganap, tulad ng sumbong ng biktima.
Noong Lunes ay isinalang na rin sa medico-legal examination ang nakababata niyang kapatid na itinago sa pangalang “Nora” na umano’y paulit-ulit ding ginagahasa ng ama sa tuwing wala sa bahay ang kanilang ina.
Sa oras na positibong ginahasa batay sa resulta ng isinagawang pagsusuri kay Nora, isasampa na ng pulisya ang kasong sexual violence at multiple rape laban sa ama ng mga biktima sa piskalya ng Malabon city. (Richard Mesa)
-
Free 1-day unlimited pass, kaloob ng LRTA sa commuters na nagpabakuna sa LRT-2 stations
BINIGYAN ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ng libreng one-day unlimited pass ang mga train commuters na nagpaturok ng bakuna laban sa COVID-19 sa vaccination sites na inilagay sa kanilang mga istasyon ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) kahapon sa unang araw nang pag-iral ng Alert Level 1 sa National Capital Region […]
-
Gilas Pilipinas nahaharap sa hamon dahil sa mga pagkaka-injury ng mga players
NAHAHARAP ngayon sa isang hamon ang Gilas Pilipinas ilang araw sa pagsisimula ng panibagong windowsng FIBA Asia Cup. Ito ay matapos na magtamo ng ankle injury si RJ Abarrientos habang nagpa-praktis. Ayon kay Gilas coach Chot Reyes, na kanilang oobserbahan pa ang 5-foot-11 na si Abarrientos kung tuluyang gagaling ang natamong […]
-
DepEd kinansela Face to Face classes sa tindi ng init, tigil-pasada
INIUTOS ng Department of Education (DepEd) ang pagpapatupad ng asynchronous classes at distance learning sa lahat ng pampublikong paaralan kahapon Abril 29, Lunes, at Abril 30, Martes, bunsod ng nararanasang mainit na panahon at pagdaraos ng 3-araw nationwide transport strike. “In view of the latest heat index forecast of the Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical […]