• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magkapitbahay niratrat sa lamay, patay

HUMANDUSAY ang duguang katawan ng dalawang construction worker matapos pagbabarilin ng nag-iisangt hindi kilalang suspek habang nakikipaglamay sa nakaburol na kapitbahay sa Caloocan City, Linggo ng madaling araw.

 

 

Dead-on-arrival sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ang biktimang si alyas “Antonio”, 34, ng Phase 8 Barangay 176 Bagong Silang sanhi ng tama ng bala sa kanang dibdib samantalang nasawi rin habang nilalapatan ng lunas ang kanyang kalugar na si alyas “Jay”, 29, dahil sa tama ng bala sa kanang tadyang.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nasa burol ng namayapa nilang kapitbahay ang mga biktima at nakikipaglamay nang dumating ang suspek dakong alas-4:40 ng madaling araw saka pinagbabaril ang mga biktima bago mabilis na tumakas patungo sa main road ng Phase 8.

 

 

Kaagad namang nagresponde at nagsagawa ng follow up operation ang mga tauhan ng East Bagong Silang Police Sub-Station 13 subalit, nabigo silang madakip ang suspek.

 

 

Iniutos na ni Col. Lacuesta ang pagrerebisa sa mga kuha ng CCTV camera sa lugar at sa mga kalsadang tinakbuhan ng suspek na maaring makatulong para makilala ang salarin habang inaalam pa ang motibo insidente. (Richard Mesa)

Other News
  • Malakanyang, inanunsyo ang mga bagong appointees sa NBI, NIA, LTO, DTI at DILG

    INANUNSYO ng Malakanyang ang mga bagong appointees sa Land Transportation Office (LTO), National Bureau of Investigation (NBI), Department of Interior and Local Government (DILG), National Irrigation Administration (NIA) at Department of Trade and Industry (DTI).     Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) ang mga bagong appointees ay sina:   *Robert Victor Seares Jr.- Deputy […]

  • Sotto sasabak sa NBA Draft

    ITUTULOY ni Kai Sotto ang pangarap nitong makapag­laro sa NBA matapos iha­yag ang pagsabak nito sa 2022 NBA Rookie Draft.     Mismong ang 7-foot-3 Pinoy cager na ang nagdeklara ng kanyang intensiyong lumahok sa draft sa kanyang post sa social media kahapon.     “I have declared for the 2022 NBA Draft. Please pray […]

  • Pagkamatay ng mga high profile inmates sa NBP, iimbestigahan

    Welcome umano kay Bureau of Corrections (BuCor) Director Gerald Bantag ang direktiba ng Department of Justice (DoJ) na pumasok na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa imbestigasyon kaugnay sa pagkamatay ng mga high profile inmates sa New Bilibid Prison (NBP).   Una rito, nagpalabas ang DoJ ng departm order (DO) para magsagawa na ang […]