• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magkasama sa advocacy series na ‘West Philippine Sea’: ALJUR at AJ, nagbahagi ng kanilang karanasan tungkol sa ‘bullying’

PURSIGIDO talaga ang advocacy producer na si Dr. Michael Raymond Aragon, na chairman ng Kapisanan ng Mga Social Media Broadcasters sa Pilipinas Inc. (KSMBPI) sa pagsusulong ng kanyang action-advocacy series na “West Philippine Sea” na nakatakdang mapanood sa mga streaming platforms, tulad ng free TV, cable and satelite TV, simula ngayong November.

 

 

Kuwento pa ng butihing producer, “we will also air it on radio as drama series through DZRH (both radio version and video version), on Viva One and right now it has 10 million subscribers, not only in the Philippines, marami ring OFW.”

 

 

Bibida sa “WPS” sina AJ Raval, Ayanna Misola at Aljur Abrenica.

 

 

Tampok din ang magkapatid na Rannie Raymundo at Lance Raymundo, Mary Sharapova, Jeric Raval, Mossimo Scofield, Ali Forbes, Jericka Madrigal, Lala Vinzon, Roi Vinzon, Mary at Daiana Menezes, mula sa direksyon ni Karlo Montero.

 

 

Ayon kay Doc Mike, kakaiba ang deal nila sa mga artistang nabanggit, “Ang mga talents na ‘to, hindi ko binabayaran ng talent fee ha. Libre ito.

 

 

“Even Viva is not getting any manager’s commission. Tulong ito. Ang nabibigay lang namin sa kanila ay honorarium for food, transportation, and basic expenses.”

 

 

Dagdag pa niya, “The people here are real heroes, bayani sila. Maraming mga artista, gumagawa ng projects pero unang tanong, ‘Magkano TF ko d’yan?’ Ito, wala. Nang sinabi ko sa kanila na ito ang problema, naintindihan nila.”

 

 

Anyway natanong sina Aljur at AJ, tungkol sa advocacy series na ‘WPS’ at ganun na rin sa karanasan nila sa bullying, na ginanap na Zoom presscon kahapon, September 25.

 

 

“I’m very grateful kina Doc Mike, dahil isa kami sa naging instrumento to advocate na ipaglaban ang bansa natin,” pahayag ni Aljur.

 

 

“Tungkol naman sa bullying, na-experience ko rin yan noong bata pa ako. Palagi akong nabu-bully, all boys kasi kami. And I talk to a lot of people naman, sabi ng pari namin, ‘it’s doesn’t matter who is right or wrong. Ang importante kung sino ang nakakaintindi.

 

 

“And there’s a kind of understanding that you will reach. At pag minahal mo yun, that understanding, everything will flow in a good Godly way. God will bless you, God will help you, with this people God will find a way.

 

 

“And eventually, yung bullying, if you succeed, parang lahat ng mga nam-bully sa ‘yo, mapapatawad mo, something na hindi nila nakikita.

 

 

“And I think everything happens for a reason.”

 

 

Say naman ni AJ, “first time kong gumawa ng advocacy project, actually dati may nag-o-offer at gusto kong gawin, kaya lang hindi pa ako pinapayagan.

 

 

“Kaya maganda po ito para sa amin, lalo na tungkol sa West Philippine Sea. Actually obsessed na ako sa mga napapanood ko sa news, sa tiktok, sa Facebook.

 

 

“At maganda rin po ito kay Aljur, kasi kilala ko po siya na makabayan po talaga siya.”

 

 

Dagdag pa niya, “sa experience ko naman sa bullying, hindi naman po ako masyadong naapektuhan. Kasi po ang turo sa amin, sa sambahan po namin, kung paano mo makita ang kapwa mo, ganun ka rin makita ng Diyos.

 

 

“Ganun lang po kasimple.”

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • PBBM, ipinag-utos ang pagpapaliban sa dagdag pasahe sa LRT-1, LRT-2

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Transportation’s (DOTr) na ipagpaliban ang pagtaas ng pamasahe sa  rail lines LRT-1 at LRT-2 “pending a thorough study on the economic impact” sa mga mananakay.     Tiniyak  ni Transportation Secretary Jaime Bautista sa press briefing sa Malakanyang na susunod ang DOTr  sa utos ng Pangulo […]

  • Facebook, patuloy na nagpa-flag, delete, ‘spam’ ng mga PNA posts

    SA KABILA ng kawalan ng paghingi ng paumanhin dahil “nagkamali”, patuloy naman ang ginagawa ng social media giant Facebook (Meta) na pagbawalan ang mga netizens na mag-post at mag-share ng mga piling stories o istorya mula sa Philippine News Agency (PNA) website para sa di umano’y paglabag laban sa “community standards”.     Sabado ng […]

  • Lalaki pinagsasaksak ang 2 umaawat na kaibigan, 1 dedo

        PINAGSASAKSAK ng lalaking wanted sa kanilang lalawigan sa Northern Samar ang dalawa niyang kaibigan na umawat lang sa kanyang pagwawala na nagresulta sa pagkamatay ng isa sa Valenzuela City.       Nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Valenzuela Medical Center ang biktimang si alyas “Balbas” 23, ng Donesa St., Balubaran, Barangay Mailnta […]