• April 29, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magkasama sana sila sa filmfest movie ni Judy Ann: VILMA, ipinaliwanag kung bakit mas pinili ang ‘Uninvited’ na dream project niya

SA grandest and the fabulous mediacon ng “Uninvited “ ang naganap last Wednesday, November 20 sa The Grand Ballroom ng Solaire Resort North.

 

Siyempre present ang mga bidang sina Star for all Seasons Vilma Santos, Aga Muhlach at Nadine Lustre.

 

Kasama rin sa movie sina Tirso Cruz III, RK Bagatsing, Nonie Buencamino, Ketchup Eusebio, Gio Alvarez, Cholo Barretto, Ron Angeles, Mylene Dizon at Lotlot De Leon under the direction of Dan Villegas.

 

Ang bonggang presscon ay pinag-isipan ng Mentorque producer na si Sir Bryan.

 

Ang “Uninvited” ay isa sa sampung entry para sa 50th Metro Manila Film Festival.

 

Siyempre ngayon pa lang ay may kanya-kanyang plano na ang mga iba’t-ibang grupo ng mga Vilmanians sa pangunguna ng VSSI ni Jojo Lim.

 

Sa totoo lang, at the age of 71 ay napanatili pa rin ni Ate Vi ang kanyang kasikatan. Sabi nga, bukod tangi ang Star for All Seasons ang sinasabing the only senior superstar in the local cinema na hanggang ngayon ay may box-office appeal pa rin. At sumasabay pa rin sa mga young superstars both sa box-office at best actress awards.

 

***

 

SPEAKING of Ate Vi, sa nasabing bonggang presscon ng “Uninvited” ay ipinaliwanag kung bakit mas pinili niya ang nasabing pelikula over sa isa pang movie na pagsasamahan nila sana for the first time ni Judy Ann Santos ang “Espantaho” na entry rin for 2025 MMFF.

 

Paliwanag ni Ate Vi wala raw talaga sa plano nila na isasali sa festival ang “Uninvited”.

 

It so happen lang daw na naihabol nila ang movie.

 

Dagdag pa rin ni Ate Vi na sa mga nakaraang interview niya and every time na naitanong niya kung may pelikula pa o particular role pa siyang nais pa niyang gawin ay isang pelikula raw yun na magaganap lang in 24 hours.

 

Kumbaga isang movie na nangyayari lang sa loob ng isang araw.

 

Kaya, napa-oo siya sa “Uninvited“ na massaging dream project niya, plus ‘yung walang pressure nang ginawa niya ang movie.

 

Ayon naman sa producer na si Sir Bryan hindi raw Nila itutuloy ang movie kung hindi tinanggap ni Ate Vi ang pelikula.

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • SRV Multipurpose Building

    SA pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco, pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang bagong bukas na San Rafael Village Multipurpose Building na matatagpuan sa Taliba St., San Rafael Village, Barangay SRV noong Lunes bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap nitong mapahusay ang pampublikong imprastraktura. Ang tatlong palapag na SRV MPB ay […]

  • Quarantine classification ng NCR Plus, pagpupulungan bukas ng IATF

    NAKATAKDANG magpulong ngayong araw ng Biyernes, Marso 10 ang Inter-Agency Task Force para pag-usapan kung palalawigin pa ba ang Enhanced Community Quarantine o hindi na.   Magtatapos na kasi sa Abril 11 ang one week extension ng ECQ.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, isa ang quarantine classification sa nabuong dapat na mapag- usapan […]

  • PBBM, suportado ang ‘Matatag Curriculum’ ng DepEd

    NAGPAHAYAG ng suporta si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  para sa “MATATAG Curriculum” ng Department of Education (DepEd).     Sinabi nito na ito’y  mahalagang programa na akma sa mga mag-aaral na Filipino.     “This is very significant because…sinusubukan nating gawin at ayusin ang curriculum para mas bagay sa pangangailangan ng mga batang Pilipino,” […]