• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magkatulad sila ni Piolo: GLADYS, may tatlong nominasyon sa ’40th Star Awards for Movies’

TATLONG nominasyon ang nakuha ng premyadong aktres Gladys Reyes sa PMPC 40th Star Awards for Movies.
Nominado si Gladys bilang best aktres, best supporting actress at PMPC Darling of the press.
Matandaang tinanghal na Best Actress si Gladys  sa nakaraaang Metro Manila Summer Film Festival mula sa pelikulang “Apag” na kung saan sa naturang pelikula pa rin nominated si Gladys sa 2024 Star Awards for Movies.
Makakalaban ni Gladys ang mga kapwa premyadong aktres na sina Vilma Santos, Nora Aunor, Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Ai Ai Delas Alas, Marianne Rivera, Assunta De Rossi, Gina Alajar at Kathryn Bernardo.
Sa Best Supporting actress naman ay nominated pa rin si Gladys dahil sa ipinamalas niyang akting sa pelikulang “Here Comes the Groom”. Makakatunggali naman niya ang dalawang nominado pa rin sa best actress na sina Gina Alajar at Alessandra de Rossi kasama sina Cherrie Pie Piccache, Gloria Diaz, Dolly De Leon at ang gagawaran ng Ulirabg Artista sa taong ito na si Liza Lorena.
Hindi pa rin papakabog si Gladys sa mga co-nominees niya para naman sa PMPC darling of the press.
Makakalaban naman ni Gladys sa nasabing kategoriya sina Sen. Bong Revilla, Piolo Pascual, Gretchen Barretto, Alden Richards, Liza Diño-Seguerra, Rei Tan at si Sen. Robin Padilla.
Nang hingan namin ng reaksiyon sa pamamagitan ng messenger ang asawa ni Christopher Roxas ay napapa wow na lang ang aktres.
Siyemre hindi raw naman siya umaasa na masungkit niya kahit isa man lang sa tatlong nominasyon.
 Katwiran ni Gladys magagaling ang mga makakalaban niya, huh!
 Anyway kagagaling lang ni Gladys sa series of engagement abroad at ang tatlong nominasyon from Star Awards ang sumalubong sa kanya.
Incidentally, tatlong nominasyon din ang nakuha ni Piolo sa 40th Star Awards for Movies.
Nominated si Piolo sa best actor (Mallari), best supporting aktor (Gomburza) at PMPC Darling of the Press.
(JIMI C. ESCALA) 
Other News
  • QC RTC Branch 223 pinayagan ng gumamit ang mga buses ng private terminals kahit anong oras

    ISANG order ang binaba ng korte sa Quezon City na pinapayagan ang mga kumpanya ng mga buses na gumamit ng kanilang private terminals kahit na anong oras.       Ang Quezon City Regional Trial Court Branch 223 ang nagbigay ng order na pinapayagan ang mga provincial buses na magsakay ng mga pasahero sa private […]

  • P144-B revenue sa POGOs makakatulong sa COVID-19 response, economic recovery – Salceda

    Aabot ng hanggang mahigit P144 billion ang kikitain ng pamahalaan mula sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) matapos na aprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas para sa tax regime ng naturang industriya.     Sa pagtataya ni House Ways and Means Committee chairman Joey Sarte Salceda, P15.73 billion ang kikitain ng pamahalaan […]

  • DBM, maghahanap ng paraan para pondohan ang P1,000 monthly pension para sa mga indigent seniors

    MAGHAHANAP at gagawa ng paraan ang Department of Budget and Management (DBM) para mapondohan ang tumaas na  monthly social pension ng indigent senior citizens.     Mula kasi sa P500 ay  P1,000 na ang matatanggap ng mga ito.     Ito’y sa kabila ng nasa ” tight fiscal position” ang gobyerno.     “To be […]