• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magla-live na raw ang ‘Eat Bulaga’: TVJ, kino-contest pa rin na makuha ang title ng show

PINAG-UUSAPAN lalo na nang magpaalam na nga ang TVJ na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon sa 43 years nilang noontime show na “Eat Bulaga” noong May 31.

 

 

Nasundan pa ito ng mass resignation naman ng halos lahat ng host at staff ng show.

 

 

Naiwan ang TAPE Incorporated ni Romeo Jalosjos.

 

 

Sa ngayon, dalawang araw na replay ang napapanood sa ‘Eat Bulaga’. Balitang sa TV5 kunsaan, ang magiging producer ay si Cong. Albee Benitez daw ang magba-blocktimer sa kanila. 

 

 

May chika rin sa amin na dalawang Linggo raw pinagpapahinga muna ang ibang staff pa na naiwan (yes meron pa rin naman daw naiwan!) at ibang host tulad nina Carren Eistrup… so, parang 2 weeks na replay?

 

 

Pero ang latest na nasagap namin at aabangan namin kung totoo nga, ngayong Sabado, live na raw ang Eat Bulaga with a new set of host.  

 

And yes, katulad ng mga kumakalat na balita, most of them are Sparkle artists.

 

 

So, abangan….

 

 

Mukhang mahaba-habang “serye” pa ito dahil kino-contest pa rin ng TVJ na ang title ng show ay makuha nila.

 

 

***

 

 

NAGING special guest ng ‘Marites University’ na napapanood sa YouTube ang Star For All Season na si Ms. Vilma Santos.  

 

 

Ang dami niyang chika na nakakatuwa talaga at iba talaga kapag mga veteran stars ang kausap tulad ni Ate Vi.

 

 

After seven years, ngayon na lang sila muling nagkasama sa pelikula ng kanyang “ka-loveteam” na si Christopher de Leon at sey nga niya, ‘yung chemistry raw talaga sa kanila na hindi naman naaaral, talagang nando’n.

 

 

Light drama ang kanilang reunion movie na “When I Met You in Tokyo” na ang theme song ay ang kanta ng Apo Hiking Society na “When I Met You.”  

 

 

Masaya rin si Ate Vi na after ilang decades in the industry, heto’t talagang nakaka-adapt siya sa social media era. Talagang pina-follow at masasabing isa sa well-loved social media personality na rin si Ate Vi ngayon na ang Tiktok dance nga niya ay umabot na sa halos 8 million views.

 

 

Kuwento niya, ang pagsasayaw naman talaga ang isa sa paborito niyang ginagawa. Na kahit daw noong pandemic na minsan nagkaka-anxiety siya, sinasayaw lang daw niya at ito ang nakatulong din sa kanya to ease the anxiety na dulot ng pandemic. 

 

 

Lalo na nga naman during that time, ilan din sa mga kakilala at kaibigan niya ang nawala.

 

 

Abangan na lang sa YouTube ang kabuuang interview na ito ng Marites University kay Ate Vi.

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • DepEd, pumayag na sa ‘flexibility’ sa pagtuturo ng bagong K-10 curriculum

    SIMULA sa second quarter ng school year, maaari ng i-adopt ng mga eskuwelahan ang class schedule base sa kanilang pangangailangan at kakayahan.     Ibinatay ito sa revised policy ng Department of Education (DepEd) sa pagpapatupad ng MATATAG K-10 curriculum.   Nakasaad sa DepEd Order (DO) No. 012, s. 2024, nilagdaan ni Education Secretary Sonny […]

  • Paolo, aminadong nagpapansin nang husto kay Piolo pero ‘no effect’

    ALIW na araw kami kina Martin del Rosario, Christian Bables at Paolo Ballesteros na nag-effort na mag-Barbie gurl sa guesting nila #2NYTwithAllanD na umeere sa Youtube tuwing 9 pm ng Sabado.   Nag-reunion nga ang stars ng Panti Sisters last Saturday sa live streaming ng show ni Allan Diones, na kung saan muling inamin ni […]

  • Balik-pelikula after na hirangin na National Artist: NORA, excited nang maka-eksena ang kapwa ‘Hall of Famer’ na si ALLEN

    ANG ‘The Baseball Player’ na dinirek ni Carlo Obispo ang isa sa big winners sa awards night ng 18th Cinemalaya na ginanap last Sunday, August 14.   Nagwagi ito ng award for Best Film for Carlo Obispo. Winner din si Carlo ng award for Best Screenplay.   Winner din ang “The Baseball Player” for Best […]