• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maglive-in partner na tulak isinelda sa higit P.1M shabu sa Malabon

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng maglive-in partner na tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina Robert Rivera, 50, at Ivy Miro, 33, (pusher/listed), kapwa ng No. 115 Manapat St., Brgy. Tañong.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police Ditrict (NPD) P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Baybayan na nakatanggap ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon hinggil sa illegal drug activities ng mga suspek kaya isinailalim nila ang mga ito sa validation.

 

 

Nang makumpirma na positibo ang ulat, kaagad nagsagawa ang SDEU ng buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek matapos bintahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer dakong alas-2:00 ng madaling araw sa C4 Road corner Manapat Street, Brgy. Tañong.

 

 

Ayon kay PSSg Kenneth Geronimo, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 20.5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P139, 400.00 at isang P500 bill na ginamit bilang buy bust money.

 

 

Nagpaabot naman ng papuri si BGen. Gapas sa Malabon police dahil sa kanilang masigasig na kampanya kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • MGA HEALTH WORKERS MAY KARAPATANG MAMILI NG BRAND NG BAKUNA

    PINAHIHINTULUTAN ang mga healthcare workers na pumili ng brand ng bakuna para sa booster shots  depende sa availability nito.   Ayon ito sa National Vaccination Operations Center (NVOC) ngayong Miyerkules.   Sa memorandum, ang mga indibidwal na nakategorya bilang Priority Group A1: Essential Workers in Frontline Health Services (A1.1 hanggang A1.7) ay karapat-dapat na mabigyan […]

  • Australian Open Champion: Djokovic balik sa ranked number 1

    Nakabalik sa pagiging ranked number 1 ng Association of Tennis Professionals (ATP) si Serbian tennis star Novak Djokovic.   Inilabas ng ATP ang rankings isang araw matapos na magkampeon ang 35-anyos na si Djokovic sa Australian Open ng talunin si Stefanos Tsitsipas ng Greece sa finals.   Pinalitan nito sa puwesto sa pagiging number 1 […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 9) Story by Geraldine Monzon

    May nakarating kay Bernard na konting pag-asa kaugnay sa kanyang mag-ina kaya halos lumutang ang mga paa niya sa pagmamadali para mapuntahan ang mga ito. Subalit nang sakay na siya ng taxi patungo sa address na ibinigay ni SPO2 Marcelo ay nadaanan niya si Cecilia sa kalsada na biglang hinimatay kaya’t pinahinto niya ang sasakyan. […]