• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Turkey, maituturing na pinakamalakas sa kasaysayan nang bansa

MAITUTURING  umano na pinakamalakas na lindol sa kasaysayan ng Turkey ang naitalang magnitude 7.8 na lindol sa nasabing bansa.

 

 

Sa panayam kay Correspondent Lorie Ann Cabanilla Argallion, mula sa nabanggit na bansa, sinabi nito na una nang nakapagtala ng malakas na lindol noong 1990 na ikinamatay naman ng maraming tao.

 

 

Dagdag pa ni Argallion, aabot sa 2,200 ang mga binawian ng buhay habang nagpapatuloy pa umano ang assessment ng kabuuang numero ng mga nasugatan sa ngayon.

 

 

Ayon pa kay Argallion, tiniyak nang Turkish Government ang tulong sa mga naapektuhan subalit nahihirapan sa isinasagawang rescue operation dahil sa makipot at pag-crack ng mga daanan.

 

 

Mayroon naman umanong ginagamit na chopper subalit problema ang mahangin na panahon.

 

 

Samantala, mayroong mga area sa nasabing bansa ang nawalan ng kuryente dahil sa nangyaring lindol.

 

 

Nakakalungkot din umano ang sitwasyon nang ibang mga residentes na nananatili sa mga tent na kung tutuusin hindi maganda dahil sa malamig na panahon.

 

 

Sa ngayon, maliban sa tulong ng Turkish government, mayroon naman na ipinapaabot na tulong ang ibang bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Kinabog sina Maria Cristina at Shewarma: NAIA, first ever Pinoy Drag Supreme ng ‘Drag Den Philippines’

    KINORONAHAN na ang first ever Pinoy Drag Supreme ng ‘Drag Den Philippines’ at ito ay si Brian Black a.k.a. NAIA.     Magkasabay ang coronation episode ng Drag Den PH sa Amazon Prime Video at sa live coronation na ginanap sa Taguig City with the show’s host Manila Luzon.     Kinabog ni NAIA na […]

  • Isa sa achievements sa aquatic adventure: MIGUEL, pinost ang impressive backflip video

    SA kanyang Instagram, pinost ni Miguel Tanfelix ang bagong achievement niya, ang mag-backflip.     Mapapanood ang impressive backflip video ng ‘Voltes V: Legacy’ star habang nagbabakasyon kasama ang kanyang co-star na si Ysabel Ortega at iba pa nilang kaibigan.     Isa lamang ang naturang achievement sa mga highlight ng aquatic adventure ni Miguel […]

  • BALANSENG NUTRITION “PLANT-BASED DIET” VS CLIMATE CHANGE ISINULONG NG DENR

    Hinikayat ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga Filipino na labanan ang climate change sa pamamagitan ng pagtangkilik sa “plant-based diet” na napag-alaman na nakababawas ng “ecological footprint” ng “human food consumption.”   Ang DENR, sa pamamagitan ng Environmental Management Bureau (EMB), ay naglunsad ng isang buwang “public information drive” upang hikayatin […]