Magno magpapaboksing para sa mga na-Ulysses
- Published on November 28, 2020
- by @peoplesbalita
ILISTA na sa humahabang talaan ng mga atletang may mabubuting kalooban si Irish Magno.
Aaayuda rin ang 29-anyos na dalagang tubong Janiuay, Iloilo sa mga nakalamidad.
Si Magno ay patungong 32nd Summer Olympic Games 2020 na naurong lang sa Hulyo 23-Agosto 8, 2021 dahil sa pandemyang Covid-19.
Sa pinaskil niya Facebook account, inihayag ng boksingera ang pagdaraos ng “Boxing Class For A Cause” sa ngayong Linggo, Nobyembre 29 sa Fitstart Gym sa Janiuay, Iloilo na may P100 entrance fee.
Ang lahat aniya na maiilak mula rito’y ipagkakaloob niya upang makatulong sa mga binagyo.
“How to help Victims of Typhoon Ulysses?? Come and Join our Boxing Class! Magiging fit kana makakatulong ka pa,” panapos na sambit ng Olympian boxer.
Kabilang si Magno sa apat na Pinoy na pasok na sa quadrennial sportsfest.
Ang iba pa ay sina reigning Universiade, Asian Championships at SEA Games champion men’s pole vaulter Ernest John Obiena, 2019World gymnastics men’s floor exercises gold medalist Carlos Edriel Yulo at newly- turned pro boxer Eumir Felix Marcial. (REC)
-
SMB niresbakan ang Meralco
NAGPASABOG si import Shabazz Muhammad ng 57 points para ibangon ang San Miguel mula sa 26-point deficit at balikan ang Meralco, 115-110, sa PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum. Ang ikalawang sunod na panalo ng Beermen (7-4) ang naglapit sa kanila sa inaasam na ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals at inilatay sa Bolts […]
-
‘Pacquiao, naantig din sa buhos nang pagbati sa kanya at pag-iyak ni Kris’
Tinanggap ni Manny Pacquiao na may pasasalamat ang maraming bumati sa kanya at kinilala ang kanyang mga nagawa sa boksing sa kabila ng kanyang pagkatalo kay Yordenis Ugas. Sinabi nito na naantig din daw ang damdamin ni Pacquiao sa pag-iyak at mensahe nang tinaguriang “queen of all media” na si Kris Aquino. […]
-
Busy rin sa movie nila ni Yassi: RURU, excited nang makatrabaho si MATTEO sa aksyon-serye
INAMIN ni Kapuso actress Gabbi Garcia na ang boyfriend na si Khalil Ramos na ang kanyang ’the one’ sa interview ni Boy Abunda sa programa nitong “Fast Talk with Boy Abunda.” Sa ngayon ay six years na silang magkarelasyon at napag-usapan na nilang dalawa kung paano mapapanatili ang kanilang relasyon at naniniwala sila […]