Magpapakita ng ‘PDA,’ sisitahin na para labanan ang COVID cases – PNP
- Published on March 15, 2021
- by @peoplesbalita
Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na istrikto nilang ipatutupad muli ang mga health protocols lalo na at tumaas na naman ang bilang ng Coronavirus Disease (COVID) cases dito sa Metro Manila.
Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na rin ang PNP sa mga local government units kaugnay sa mga umiiral nitong ordinansa.
May mga lugar na rin kasi sa ilang siyudad sa National Capital Region ang isinailalim sa lockdown dahil sa pagsirit ng COVID-19 cases gaya ng Quezon City, Pasay City, San Juan City at Manila.
Paalala rin ng PNP sa mga mag-asawa at “in a relationship” na mahigpit ng ipinagbabawal ang public display of affection (PDA).
Ayon kay PNP spokesman B/Gen. Ildebrandi Usana, inatasan na nila ang mga pulis na sakaling may makitang nagpi-PDA ay agad itong sitahin.
Kasama na rito ang halikan sa pampublikong lugar, hawakan ng kamay at yakapan.
Maliban sa mga mag-asawa at mayroong mga karelasyon, saklaw din ng paninita ng PNP ang mga miyembro ng pamilya at mga magkaibigan.
Paliwanag ni Usana, kahit sino ay puwedeng magdala ng virus kaya mas mabuti na ang magdoble ingat.
Samantala, muling nagpaalala ang PNP sa publiko na sumunod sa health protocol gaya ng pagsusuot ng face mask, face shield at social distancing.
Sa pamamagitan nito, maipapakita ang pagmamahal sa ating pamilya, kamag-anak at mga kaibigan sa gitna ng pag-iwas sa nakakamatay na COVID-19.
-
Fine Arts gallery ng Nat’l Museum, pansamantalang isasara para sa pres’l inauguration
PANSAMANTALANG isasara ang Fine Arts gallery ng National Museum of the Philippines simula bukas, Hunyo 6 upang bigyang-daan ang paghahanda para sa inagurasyon ng bagong Pangulo ng bansa. “The National Museum of the Philippines is deeply honored by the official announcement of the choice of its National Museum of Fine Arts in Manila […]
-
Valenzuela magtatayo ng Command Center at nagbigay ng 2 SWAT vans
BILANG bahagi ng pagdiriwang ng ika-26th Charter Day ng Lungsod ng Valenzuela, pinangunahan ni Mayor WES Gatchalian ang groundbreaking ng One Valenzuela Command Center na magsisilbing satellite office ng ALERT sa Barangay Paso de Blas. Ang apat na palapag ng gusali na ito ay maglalaman ng Valenzuela City Command, Control, and Communication Center […]
-
From the director of “Ju-On,” Takashi Shimizu’s latest horror film “SANA: Let Me Hear” hits Philippine cinemas
A decades-old mystery resurfaces in “SANA: Let Me Hear”, the latest horror masterpiece from renowned director Takashi Shimizu, the mind behind “The Grudge (Ju-On).” Prepare yourself for a chilling journey into the unknown when the film hits Philippine cinemas on November 13. Set in 1992, SANA: Let Me Hear opens with a fatal […]