• September 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magsalamin sa mata, magbitbit ng tubig

BATAY po sa aking karanasan, nais kong i-share naman ngayon sa inyo mga kapwa ko mananakbo, ang pagsasalamin (sun glass) na hindi dark color, light color dapat kung mag-ja-jogging-running tayo sa umaga sa labas ng ating tahanan.

 

Dapat ding magbaon ng tubig kahit sa maliit na container o nabibiling purified bottled water.

 

Iyan po ang dalawang bago nating maipapayo dear runners/joggers. Kahit na rin sa bikers o cyclists.

 

Kahapon natalakay ko po ang pagsusuot na rin ng face mask sa new normal. Pero ang ginagawa ko kung wala po akong makakatabi, katabi, masasalubong, kasalubong, binababa ko muna siya nang kaunti lang dahil mahirap kapusin ng hininga.

 

Balik po ako sa sun glass at bottled water, parehong kailangang-kailangan po ito sa kalsada habang natakbo o nag-ja-jogging ka. Kasi kahit tag-ulan na tayo, mainit pa rin talaga ang klima.

 

Mas agahan din natin ang pagtakbo sa umaga. Maga lang matulog para maaga ring gumising.

 

Masakit na ang araw sa ating mga mata ati madal rin tayong mauhaw dahil sa init kapag tinanghali tayo ng bangon.

 

At sa pag-jog-run bago gawin iyan ilang minutong exercise, stretching at walking. Para makaiwas po tayo sa injury.

 

***

 

Patuloy po nating idalangin na may matuklasan ng gamot o iniksiyon, o kaya’y kusa na lang maglaho ang Covid-19 pandemic. Siyempre  hindi lang sa ating bansa, kundi sa buong mundo, para makabalik na ang lahat sa dati, pati po ang sports events worldwide.

 

Mag-ingat pa rin po tayo araw-araw, panatilihinng malakas ang ating katawan.

 

***

 

Kung may nais po kayong itanong o gusto ninyong magreaksiyon, mag-email lang po sa  jeffersonogriman@gmail.com.

 

Hanggang sa  susunod mga ka-People’s BALITA.

 

God bless us all! (REC)

Other News
  • Milestone sa kanila ni Vaness na makasama sa serye: SEF, tumagaktak ang pawis nang sabay na maka-eksena sina DENNIS at BEA

    TUNGKOL sa araw-araw na pinagdaraan ng Gen Z teens ang tema ng bagong GMA series na ‘Sparkle U.’     Tampok ang mga fresh faces ng Sparkle GMA Artist Center, tatalakayin sa unang episode ng ‘Sparkle U’ na #Frenemies ay ang cyber bullying at ang epekto nito sa nagiging biktima.     Ilan sa cast […]

  • Ads September 5, 2022

  • Isko, Pacquiao, Bongbong pagpipilian ni Duterte

    Tatlong pulitiko ang pagpipilian ni Pangulong Rodrigo Duterte na pumalit sa kanya sa 2022 presidential elections kung hindi tatakbo ang anak niyang si Davao Mayor Sara Duterte at Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.     Kabilang umano sa mga pagpipilian ng Pangulo  sina Sen. Manny Paquiao, Manila Mayor Isko Moreno at […]