• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magsasagawa ng ‘house-to-house’ jabs, paigtingin – Malakanyang

KUMBINSIDO ang Malakanyang na kailangan lang na paigtingin ang “house-to-house” vaccination sa vulnerable at senior citizens ng local government units (LGUs) para mas mapapabilis ang COVID-19 vaccination campaign ng gobyerno sa labas ng National Capital Region (NCR) at kalapit-lalawigan.

 

 

Sinabi ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, na ang tagumpay ng vaccination drive ay “really a matter ng pakikipagtulungan natin with the LGUs and the general public.”

 

 

“Isa sa mga nakikita nating effective na ginagawa ng mga LGU ay ang house-to-house na pagbabakuna kasi ang target natin senior citizens at mga vulnerable lalo na sa mga areas outside of NCR Plus,” ayon kay Nograles.

 

 

Giit ni Nograles, ang house-to-house vaccination ay ” very effective” sa pagpapataas ng inoculation campaign laban sa COVID-19 dahil nagpo-promote ito ng accessibility para sa mga nahihirapan na magpunta ng vaccination centers.

 

 

“Para sa hindi makakabiyahe kailangan reach out na lang tayo sa kanila,” ani Nograles.

 

 

Nauna rito, inanunsyo ng National Task Force Against COVID-19 (NTF) na ang ‘goal’ na gawing fully vaccinated ang 70% ng target population ng pamahalan ay nakamit na.

 

 

“As of January 13,  a total of 54,457,863 persons have completed vaccination. This is 70.6% of the target population,” ayon sa NTF. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, pinuri ang napakahalagang serbisyo sa bayan ng mga guro

    PINASALAMATAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga guro sa iba’t ibang panig ng bansa para sa kanilang “hindi matatawaran” at napakahalagang serbisyo sa bansa lalo na sa gitna ng nagpapatuloy na limited face-to-face classes.      Sa naging mensahe ng Pangulo sa National Teachers’ Day, hinikayat ng Pangulo ang mga Filipino na kilalanin ang “sakripisyo” […]

  • PH, US air forces, nagsagawa ng drill sa Philippine Sea

    NAGSAGAWA ng aktibidad ang Philippine Air Force (PAF) at ang United States Pacific Air Forces sa Philippine Sea para sa isang bilateral training.     “Philippine Air Force A-29 Super Tucanos, Missouri ANG C-130 H2 Hercules, and 25th Fighter Squadron A-10 Thunderbolt IIs fly in formation over the Philippine Sea for bilateral training,” ang sinabi […]

  • BFP inirekomenda ang overhauling ng electrical system sa PGH

    INIREKOMENDA  ng Bureau of Fire Proteksyon (BFP) ng pag-overhaul sa electrical system ng Philippine General Hospital.     Kasunod ito sa naganap na sunog sa nasabing pagamutan noong nakaraang linggo.     Balik sa normal operasyon na ang emergency room ng pagamutan matapos na naayos na ang napinsala ng sunog.     Magugunitang itinaas sa […]