Magtipid sa paggamit ng kuryente sa gitna ng Bagyong Aghon
- Published on May 29, 2024
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN ang Department of Energy (DOE) sa publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente kasunod ng makabuluhang pagbabago ng available power supply sa Luzon sa gitna ng bagyo.
Sa isang virtual press conference, hinikayat ni DOE Secretary Raphael P.M. Lotilla ang lahat na magtipid sa paggamit ng kuryente para mabawasan ang paghahatid ng mas maraming mamahaling oil-based power plants.
Winika pa ng Kalihim na ginagawa ng DOE ang lahat para mapahusay ang power supply para sa mga darating na araw.
“We would like to ask everyone’s cooperation to minimize the use of electricity in Luzon Grid. The typhoon caused substantial decrease in the available power supply in the grid at the time when the hydropower plants have not recovered from low water supply,” ayon kay Lotilla.
“While we look forward to the power supply improving in the coming days, the Department encourages everyone to conserve energy in order to minimize dispatch of the more expensive oil-based power plants,” dagdag na pahayag nito.
Hinikayat din ni Lotilla ang commercial industrial consumers na magpartisipa sa “interruptible load program” kung saan sinabi nito na ang oil-based powerplants ay ginagamit bilang pansamantalang power source sa Luzon grid sa kawalan ng hydro powerplants.
“The oil-based powerplants however, have been useful in so far as providing power to the grid, particularly in the absence of the hydro powerplants. Commercial industrial consumers are being encouraged to continue to participate in the interruptible load program,” aniya pa rin.
Tinuran pa ni Lotilla na ang 1200 MW Ilihan Powerplant ay isinara noong May 25, 2024 dahil sa “disconnection at relocation” nito kasama ang Pagbilao units 1 at 2 (may kabuuang kapasidad na 764MW) at unit 3 na may kapasidad na 420MW.
Isinara rin ang Masinloc 3, na may kapasidad na 335MW, kasama ang San Buenaventura na may kapasidad na 455MW. Ang Botocan, na may kapasidad na 20.8MW, ay itinigil dahil sa bagyo noong nakaraang May 26, 2024. (Daris Jose)
-
Thankful na nakasama sa top-rating afternoon series: ALLEN, bumili ng pick-up truck para may remembrance
THANKFUL ang mahusay na actor na si Allen Dizon na naging part siya ng cast ng top-rating GMA Afternoon drama series na “Abot-Kamay na Pangarap”, na kung saan gumaganap siya bilang katambal si Carmina Villarroel. Nakabili siya ng Toyota Hilux pick-up truck, mula sa talent fee niya, para raw may remembrance sa […]
-
NFA, nakapaglabas na ng higit 622K bag ng bigas ngayong pandemic
Inanunsyo ng National Food Authority (NFA) na nakapaglabas na sila ng nasa 622,683 bags ng bigas mula March 31 hanggang June 19, 2020 para sa calamity response ng local government units (LGU) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa gitna ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic. Ayon kay NFA assistant regional director […]
-
LIBRENG ACCESS SA TALUMPATI NI SANTO PAPA
NANAWAGAN si Pope Francis noong Linggo ng libreng pag-access sa mga banal na lugar sa Jerusalem habang naghahatid siya ng kanyang taunang talumpati sa Pasko ng Pagkabuhay sa gitna ng karahasan sa pagitan ng mga Israelita at Palestinian sa Holy City. “May there be peace for the Middle East, racked by years of […]