• April 8, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAHARLIKA FUND, MAGIGING FLOODGATES OF CORRUPTION

MAGDUDULOT lamang ng katiwalian at maapektuhan ang benepisyo ng mga SSS at GSIS member lalu na ang  pensyon ng senior citizens.

 

 

Ito ang pangamba ni Father Noel Gatchalian, chairman ng Church People – Workers Solidarity National Capital Region (CWS-NCR) sa panukalang pagsusulong ng House Bill 6398 o Maharlika Investment Fund Act.

 

 

“CWS reiterates its claim that the Maharlika Fund will only open the floodgates of corruption and will further deprive Filipino People of basic social services, as former Bayan Muna Representative Neri Colmenares Pointer out, ang kailangan natin ay dagdag na SSS pension, hindi dagdag ng pagkakataon sa korapsyon,”pahayag ni Father Gatchalian sa Radio Veritas.

 

 

Umaapela naman ang Kilusang Mayo Uno (KMU) sa kongreso na isulong ang batas na magtataas sa sahod ng mga manggagawa sa halip na unahin ang pagsasabatas ng HB 6389.

 

 

Iginiit ni Jerome Adonis, secretary general ng KMU na naghihirap na ang taumbayan dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin na resulta ng pagtaas ng inflation rate sa 8-porsyento noong Nobyembre.

 

 

“Ang hinihingi namin ay dagdag sahod, hindi dagdag pasakit. Ipasa ang panukalang batas hinggil sa pagtataas ng sahod ng manggagawa, isa na rito ang HB 4898 o ang pagpapatupad ng pambansang minimum na sahod na nakabatay sa umiiral na family living wage (FLW). Pinapaspasan ni Marcos Jr at mga kasabwat na mambabatas ang mandatory ROTC, apprenticeship, at wealth fund, samantala natutulog sa Kongreso ang mga batas na ikabubuti ng mamamayan!,”paglilinaw ng KMU sa Radio Veritas.

 

 

Ang Maharlika Wealth Fund Act ay isinulong ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Ilocos Norte Representative Sandro Marcos na pinangangasiwaan naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior.

 

 

Kapag naisabatas ang panukala, kukunin ang budget nito sa Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS), Land Bank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP). GENE ADSUARA

Other News
  • Ads July 29, 2023

  • Wong bumawi agad, todo kaway-ngiti sa Palawan

    Iba’t iba ang komento mula ng mga netizen sa viral video na todo ngiti na at pang-Miss U pa ang kaway ni Premier Volleyball League star Deanna Wong habang nakabakasyon sa El Nido, Palawan kasama ang girlfriend na si Ivy Lacsina.     Isang netizen na nakakita kay Wong ang nagbahagi ng viral video Huwebes kung saan […]

  • Osaka binigo ni Muchova sa Madrid Open

    Natapos na ang kampanya ni Naomi Osaka sa Madrid Open matapos talunin ni Karolina Muchova sa ikalawang round.     Nakuha ng Czech player ang score na 6-4, 3-6, 6-1 para ilampaso ang Japanese tennis star.     Sinabi ni Muchova na pinaghandaan nito ang torneo at kahit sino ay kaya niyang harapin.     […]