• September 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAHIGIT 1.5 MILYON NA MGA BATA, TARGET NA BABAKUNAHAN NG DOH-CALABARZON

TARGET ng Department of Health  (DOH) – CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ang mahigit 1.5 milyon na mga bata sa rehiyon na mabakunahan sa isasagawang “Measles-Rubella and Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR OPV SIA) Phase 2 Campaign mula February 1-28, 2021.

 

Sa probinsiya ng Batangas, target ng Regional office ang  290,588  na mga bata;, 380,067  sa probibnisya ng Cavite, 306,619 sa  Laguna, 236,913 sa  Quezon at 310,140 in Rizal o kabuuang  1,524,327 .

 

“The regional office, our LGU partners and the vaccination teams are ready to do their tasks and reach the target children including those in far-flung communities located in the mountains,” ayon kay Regional Director Eduardo C. Janairo.

 

“Mas madali natin ngayong mababakunahan ang mga bata dahil karamihan sa kanila ay nasa kani-kanilang mga bahay at bawal silang lumabas dala ng kasalukuyang pandemya. Kaya’t madali nating magagawa ang pagbabakuna laban sa polio at measles.” dagdag pa ni Janairo.

 

Sinabi pa ni Janairo na magdadagdag ng karagdagang manpower sa bawat munisipalidad upang masiguro na makakatanggap ng bakuna ang lahat ng bata mula 0-59 na buwan.

 

“Sa mga magulang ng mga batang babakunahan, huwag po kayong mangamba at matakot sa ibibigay naming bakuna sa inyong mga anak dahil ito po ay ligtas at ito lang ang magbibigay ng proteksyon sa inyong mga anak laban sa tigdas at polio,” paliwanag pa ni  Janairo

Isasagawa ang one-month phase 2 vaccination campaign kung saan isasabay din ang nationwide launching activity  sa  January 29, 2021 sa  General Trias City, Cavite. (GENE  ADSUARA)

Other News
  • Paolo, aminadong nagpapansin nang husto kay Piolo pero ‘no effect’

    ALIW na araw kami kina Martin del Rosario, Christian Bables at Paolo Ballesteros na nag-effort na mag-Barbie gurl sa guesting nila #2NYTwithAllanD na umeere sa Youtube tuwing 9 pm ng Sabado.   Nag-reunion nga ang stars ng Panti Sisters last Saturday sa live streaming ng show ni Allan Diones, na kung saan muling inamin ni […]

  • Gilas Pilipinas coach kukuha ng mga manlalaro mula UAAP at NCAA na sasabak sa FIBA tournaments

    PLANO ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na kumuha ng mga manlalaro mula sa UAAP at NCAA na sasabak sa FIBA tournaments sa buwan ng Hulyo.     Ito ay sa kadahilanan na maraming mga PBA Players ay abala na dahil sa kasagsagan ng 47th season ng Philippine Cup na magsisimula sa Hunyo 5.   […]

  • PAGCOR, KLINARO ANG ISYU NG KIDNAPPING

    NILINAW ng Philippine Gaming Corporation o PAGCOR  na walang anumang criminal activities o kidnapping na nangyari sa mga POGO workers o offshore licensing industry nitong huling tatlong buwan.     Ito ay bunsod sa ilang misinformation sa Senate hearing hinggil sa kidnapping incident.     Ayon sa PAGCOR,nakatutok ito sa imbestigasyon sa kaso na sangkot […]