Mahigit $100M, ilalaan para sa infrastructure investments sa EDCA sites
- Published on April 13, 2023
- by @peoplesbalita
INAASAHANG nasa mahigit $100 million ang ilalaan sa infrastructure investments para sa bago at existing Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa katapusan ng fiscal year 2023.
Sa joint media briefing kasama ang mga opisyal ng Amerika at Pilipinas, sinabi ni US Secretary of Defense Lloyd Austin III na ang nasabing investments ay lilikha ng mga trabaho at paglago ng ekonomiya ng local communities ng Pilipinas.
Malugod namang tinanggap nina Philippine Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Department of National Defense Officer-in-Charge Carlito Galvez Jr. na present din sa media briefing ang naging hakbang ng US para suportahan ang ating bansa sa pamamagitan ng naturang kasunduan.
Subalit iginiit ng DFA chief na nakatakda pang pag-usapan ang lextent ng paggamit ng apat na bagong EDCA sites sa bansa.
Sinabi naman ni Austin na ang planong pagkakaroon ng apat na bagong EDCA sites sa Palawan at Northern Luzon ay maggagarantiya na ang dalawang bansa ay mas handa para sa mga posibleng maranasang krisis sa hinaharap. (Daris Jose)
-
Honasan inabswelto sa pork barrel scam
Ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong graft laban kay dating Senador at ngayon ay Information and Communications Technology Secretary Gregorio Honasan at pito pa kaugnay ng P10 bilyong pork barrel scam. Sa 52-pahinang ruling ng anti-graft court, nabigo ang prosekusyon na magpakita ng ebidensya para patunayang guilty sa kaso si Honasan kung saan ang ‘presumption […]
-
TRAILER OF “PAWS OF FURY” SHOWS JOURNEY OF HERO UNDERDOG
WHEN a town of cats is in danger, an unlikely hero rises: a dog named Hank! Watch the official trailer for Paramount Pictures’ new comedy adventure Paws of Fury: The Legend of Hank, in Philippine cinemas August 10. YouTube: https://youtu.be/bKANfMWuQNM About Paws of Fury: The Legend of Hank A […]
-
Presyo ng kandila at bulaklak, mataas na
RAMDAM na ang pagtaas ng presyo ng mga kandila at bulaklak , ilang araw bago ang paggunita ng Undas. Sa kandila, ang bentahan ngayon ng tatlong piraso ng maliit na kandila sa paligid ng Manila North Cemetery (MNC) ay P40 . Nasa P50 naman ang medium size kada dalawang piraso habang ang large […]