• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahigit 17,000 na mga frontline worker sa Bulacan, tumanggap ng unang dose ng bakuna kontra

COVID-19 LUNGSOD NG MALOLOS – Nakapagbakuna na ang Bulacan ng 17,728 na mga frontline worker kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na nasa Priority Group A1 sang-ayon sa resolusyon na iniharap ng Interim National Immunization Technical Advisory Group (iNITAG) at DOH Technical Advisory Group (DOH-TAG) mula ng simulan ang programa noong Marso 8, 2021.

 

 

Nitong Marso 29, 2021, nakapagbigay na ng 85.03% mula sa kabuuang alokasyon na katumbas ng 20,849 na unang dose, kung saan 2,419 ay Sinovac at 18,430 ang AstraZeneca.

 

 

Pinaalalahanan ni Gob. Daniel R. Fernando ang publiko na habang sinusunod ng Pamahalaang Panlalawigan ang aprubadong listahan ng National COVID-19 Vaccine Deployment Plan, ginagawa nila ang kanilang makakaya upang masiguro na lahat ng Bulakenyo ay mababakunahan laban sa nakakamatay na sakit.

 

 

“Just when we finally started to vaccinate against COVD-19, medyo makakahinga na sana tayo, tsaka naman dumating ‘yung mga bagong variant, kaya naman hindi talaga tayo pwedeng kumampante. Nakakatuwa na unti-unti nababakunahan na ang mga healthcare workers natin at sa awa ng Diyos matatapos din tayong bakunahan lahat, dahil ito naman talaga ay para sa lahat, hindi pwedeng may maiwan,” ani Fernando.

 

 

Base sa listahan ng prayoridad ng pagbabakuna, kabilang sa priority eligible group A ang frontline health workers, mahihirap na senior citizen, iba pang senior citizens, iba pang mahihirap na populasyon, at uniformed personnel; habang nasa group B ang mga guro at social workers, iba pang empleyado ng pamahalaan, iba pang manggagawa, socio-demographic na mga manggagawa at mga higit na mataas ang risk maliban sa mahihirap na senior citizens at populasyon, OFWs, at iba pang mga manggagawa; at Group C para sa mga natitira pang Pilipino.

 

 

Ayon sa daily operational report mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, nitong Marso 28, 2021, may kabuuang bilang na 17,103 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Bulacan, walang naitalang probable suspected na mga kaso habang 13,672 ang gumaling, nasa 512 naman ang nasawi.

 

 

Samantala, ayon sa World Health Organization, nagtala ang Pilipinas ng 712,442 na mga kumpirmadong kaso ng COVID-19, 13,159 ang namatay nitong Marso 28, 2021 at sa tala naman noong Marso 19, 2021, nasa 292,667 na ang doses ng bakunang naibigay.

 

 

Kasalukuyang nasa ilalim ng isang linggong enhanced community quarantine ang Bulacan kasama ang iba pang nasa NCR plus bubble kabilang ang Metro Manila, Cavite, Laguna, at Rizal (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Rondina, Gonzaga kampeon sa World Tour

    NASUNGKIT  nina Sisi Rondina at Jovelyn Gonzaga ang gintong medalya sa Volleyball World Beach Pro Tour Futures na gina­nap sa Subic Bay Sand Court sa Subic.     Naisakatuparan ito nina Rondina at Gonzaga matapos pataubin sina Gen Eslapor at Dij Rodriguez sa bendisyon ng 22-24, 21-12, 15-12 come-from-behind win sa all-Filipino championship match.   […]

  • Team Asia kampeon sa Reyes Cup

    SA HULING araw ng bakbakan, tinalo ni Aloysius Yapp ng Singapore si Francisco Sanchez Ruiz ng Spain sa pamamagitan ng 5-1 desisyon. “I’m proud of the whol   e team. At the start of the week, I was very nervous and made a lot of mistakes, but my teammates supported me and lifted up my […]

  • ACTION ADVENTURE “UNCHARTED” DROPS NEW TRAILER

    THE race for the greatest treasure is on… if Nathan Drake (Tom Holland) and Victor “Sully” Sullivan (Mark Wahlberg) can survive each other first. Watch the latest trailer for the new action adventure Uncharted, exclusively in Philippine cinemas 2022.     YouTube: https://youtu.be/XgG5FiWm3Yk       About Uncharted     Street-smart thief Nathan Drake (Tom Holland) is recruited […]