Mahigit 17,000 na mga frontline worker sa Bulacan, tumanggap ng unang dose ng bakuna kontra COVID-19
- Published on April 7, 2021
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS – Nakapagbakuna na ang Bulacan ng 17,280 na mga frontline worker kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na nasa Priority Group A1 sang-ayon sa resolusyon na iniharap ng Interim National Immunization Technical Advisory Group (iNITAG) at DOH Technical Advisory Group (DOH-TAG) mula ng simulan ang programa noong Marso 8, 2021.
Nitong Marso 28, 2021, nakapagbigay na ng 85.57% mula sa kabuuang alokasyon na katumbas ng 20,195 na unang dose, kung saan 1,765 ay Sinovac at 18,430 ang AstraZeneca.
Pinaalalahanan ni Gob. Daniel R. Fernando ang publiko na habang sinusunod ng Pamahalaang Panlalawigan ang aprubadong listahan ng National COVID-19 Vaccine Deployment Plan, ginagawa nila ang kanilang makakaya upang masiguro na lahat ng Bulakenyo ay mababakunahan laban sa nakakamatay na sakit.
“Just when we finally started to vaccinate against COVD-19, medyo makakahinga na sana tayo, tsaka naman dumating ‘yung mga bagong variant, kaya naman hindi talaga tayo pwedeng kumampante. Nakakatuwa na unti-unti nababakunahan na ang mga healthcare workers natin at sa awa ng Diyos matatapos din tayong bakunahan lahat, dahil ito naman talaga ay para sa lahat, hindi pwedeng may maiwan,” ani Fernando.
Base sa listahan ng prayoridad ng pagbabakuna, kabilang sa priority eligible group A ang frontline health workers, mahihirap na senior citizen, iba pang senior citizens, iba pang mahihirap na populasyon, at uniformed personnel; habang nasa group B ang mga guro at social workers, iba pang empleyado ng pamahalaan, iba pang manggagawa, socio-demographic na mga manggagawa at mga higit na mataas ang risk maliban sa mahihirap na senior citizens at populasyon, OFWs, at iba pang mga manggagawa; at Group C para sa mga natitira pang Pilipino.
Ayon sa daily operational report mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, nitong Marso 28, 2021, may kabuuang bilang na 17,103 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Bulacan, walang naitalang probable suspected na mga kaso habang 13,672 ang gumaling, nasa 512 naman ang nasawi.
Samantala, ayon sa World Health Organization, nagtala ang Pilipinas ng 712,442 na mga kumpirmadong kaso ng COVID-19, 13,159 ang namatay nitong Marso 28, 2021 at sa tala naman noong Marso 19, 2021, nasa 292,667 na ang doses ng bakunang naibigay.
Kasalukuyang nasa ilalim ng isang linggong enhanced community quarantine ang Bulacan kasama ang iba pang nasa NCR plus bubble kabilang ang Metro Manila, Cavite, Laguna, at Rizal. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Pagtaas ng pasahe sa MRT-3, hindi maiiwasan – DOTr
HINDI umano maiiwasan ang pagtataas ng pasahe sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), kahit pa hindi ito maisapribado. Ito ang ginawang paglilinaw kahapon ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Cesar Chavez kasunod ng pangamba ng ilan na tataas ang pasahe ng MRT-3 kung matutuloy ang planong isapribado ang operasyon at maintenance nito. […]
-
Iniyakan dati sa tuwing magri-race ang aktor: ABBY, gustong mala-Jennifer Lopez at Ben Affleck ang kasal nila ni JOMARI
KUMPIRMADO na ang kasalang Jomari Yllana at Abby Viduya sa November ng taong ito. Mismong sina Abby at Jomari ang opisyal na nagbalita nito. Sa pamamagitan muna raw ng isang civil wedding sa Las Vegas, U.S.A. ang magiging kasal nila. Ayon kay Abby, gusto nila na mala-Jennifer Lopez at Ben Affleck […]
-
LIZA, nagdurugo ang puso para sa mga Pinoy na apektado ng pandemya; may sagot sa pumuna sa kanyang tweets
SIGURO nga, expected na ‘yung mga DDS o loyalista ng Pangulo ng bansang Pilipinas ay against sa naging tweet ni Liza Soberano. Pero mas marami ang saludo sa Kapamilya actress. Mas marami ang nagsasabing “sana all” ay Liza Soberano. Hindi lang siya beauty at talents, may brain at may compassion talaga […]