• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahigit 200K job opportunities, nabuksan dahil sa pagbyahe ni PBBM sa ibang bansa

TINATAYANG umabot na sa 200,000 job opportunities ang inialok ng gobyerno sa mga Filipino dahil sa mga official foreign trips ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa last quarter ng 2022 hanggang 2023.

 

 

Ito ang sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI).

 

 

Tinukoy ng Presidential Communications Office (PCO) ang data mula sa DTI kung saan makikita na ang pagbyahe ni Pangulong Marcos sa ibang bansa noong 2022 ay nakalikha ng 7,100 job opportunities mula Indonesia (September 4-6); 14,932 job opportunities mula Singapore (September 6-7); at 98,000 job opportunities naman mula New York (September 18-24).

 

 

Bitbit din ni Pangulong Marcos pauwi ng Pilipinas noong nakaraang taon ang 5,500 job opportunities mula sa kanyang naging pagbisita sa Thailand noong November 16-19; at 6,480 job opportunities mula Belgium (December 11-14); at 730 job opportunities mula naman sa Netherlands (December 15-17).

 

 

Para naman sa taong 2023, sinabi ng DTI na ang pagbisita ng Pangulo sa China noong January 3-5 ay nagbukas ng 32,722 job opportunities; 24,000 job opportunities mula Japan (February 8-12); 6,386 job opportunities mula Washington, DC (April 30-May 4); at 8,365 job opportunities mula Malaysia (July 25-27).

 

 

Ang naging byahe naman ni Pangulong Marcos sa Singapore on September 14-17 also yielded 450 job opportunities; 2,550 job opportunities from the United States (November 14-17); and 15,750 job opportunities from Japan (December 15-18).

 

 

Samantala, umabot sa P4.019 trilyon o US$72.178 bilyong halaga ng mga pamumuhunan ang resulta ng mga pagbisita sa iba’t ibang  bansa ni Pangulong Marcos.

 

 

Sinabi ng DTI na ang P4 trilyong halaga ng investments ay binubuo ng 148 na proyekto na karamihan ay nasa mga sektor ng manufacturing, IT-BPM, renewable energy, data centers at telecommunications.

 

 

Ayon sa DTI, ang mga business engagements sa pagbisita ng Pangulo sa Japan para sa ASEAN-Japan Commemorative Summit ay dumadagdag din sa US$263.08 milyon o P14B kabuuang halaga ng nine investments.

 

 

Mayroon ding tatlong nilagdaang kasunduan na nagkakahalaga ng US$85.07 milyon, at anim na MOU/LOI na nagkakahalaga ng US$178.01 milyon.

 

 

Ang pagbisita ng Pangulo sa US para sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Meeting sa San Francisco ay nagdagdag ng US$672.3 milyon (P37.2B) sa kabuuang proyekto.

 

 

Kabilang dito ang US$400M (P2.2B) sa telekomunikasyon, US$2M (P110M), artificial intelligence (AI); US$250M (P13B), manufacturing; US$20M (P1.1B), health sciences/pharma manufacturing/health services; US$300,000 (P16M), energy. (Daris Jose)

Other News
  • Duterte tatakbong VP sa 2022 elections

    Pormal nang tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-eendorso sa kanya ng ruling party Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na tumakbong bise-pre­sidente sa darating na halalan sa Mayo 2022.     Inanunsiyo noong Martes ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, exe­cutive vice president ng PDP-Laban, na pumayag na ang Pangulo sa alok ng partido […]

  • John Wall ipinagmalaki ang maitutulong sa bagong team niya na Los Angeles Clippers

    IPINAGMALAKI  ng veteran na si John Wall na malaki ang maitutulong niya sa kakulangan ng Los Angeles Clippers lalo na sa pagiging point guard.     Una nang pumirma si Wall ng 2-year contract sa halagang $13.2 million deal.     Inaasahang babandera sa bagong season ng NBA ang Clippers lalo na at babalik na […]

  • BEA, mas matunog at hula ng karamihan na magiging Kapuso na

    ANG dami na ngang naku-curious kung sino ang award-winning actress na magiging isang Kapuso na.      Dalawa ang naiisip — si Judy Ann Santos o si Bea Alonzo?     Pero sa dalawa, mas matunog talaga na si Bea ang hula ng karamihan na magiging isang Kapuso.     Ang isa lang nagiging kuwestiyon […]