• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahigit 22 quarantine facilities para sa Metro Manila COVID-19 patients, patapos na – Dizon

Patuloy umano ang paghahanap at pagtatayo ng National Task Force against COVID-19 ng isolation o quarantine facilities para sa mga magpopositibo partikular sa Metro Manila.

 

 

Magugunitang paubos na ang mga quarantine facilities na unang itinayo dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19.

 

 

Sinabi ni NTF deputy chief implementer Vince Dizon, una nilang ginamit ang mga hotels bilang quarantine areas at may mahigit 1,000 pang available rooms.

 

 

Ayon kay Sec. Dizon, nasa 22 quarantine facilities naman sa Metro Manila ang itinatayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at magagamit na ito sa dalawa hanggang tatlong linggo.

 

 

Ang mega quarantine facility rin sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija ay magiging operational na rin sa susunod na linggo habang ang Razon Group ay may dine-develop na 500-bed facility sa Entertainment City sa loob ng property ng Nayong Pilipino sa Parañaque City. (Daris Jose)

Other News
  • Trailer ng ‘Family Matters’, higit 35 million views na: NOEL, ‘di malilimutan ang lalaking lumapit na naiyak sa teaser pa lang

    ANG trailer ng “Family Matters” na produced ng Cineko Productions ay umaani ng milyon-milyong views online sa pinagsama-samang platforms.     Sa ngayon, meron na itong mahigit 35 million views.     Isa sa mga official entry sa 2022 Metro Manila Film Festival. Parang in tradition of “Tanging Yaman,” a family movie na siguradong tatagos […]

  • First time gumawa ang Superstar ng anti-hero role: ‘Kontrabida’ ni NORA, nakatakdang mag-compete sa isang prestigious film festival

    ANG ganda naman ng balita na ang movie ni Superstar Nora Aunor titled ‘Kontrabida’ ay in competition this November sa isang prestigious film festival.     Hindi pa raw pwedeng i-reveal kung saan festival nakatakdang mag-compete ang ‘Kontrabida’ pero ngayon pa lang ay marami na ang excited dahil muling matatampok ang husay ni Ate Guy […]

  • Ads May 28, 2021