Mahigit 300 pamilya inilikas dahil sa bagyong Neneng- NDRRMC
- Published on October 18, 2022
- by @peoplesbalita
NAKAPAGTALA ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng 300 pamilya na iniwan ang kanilang tahanan sa Region 2 at naghanap ng masisilungan sa iba’t ibang evacuation centers dahil kay bagyong Neneng, araw ng Linggo.
Sa kamakailan lamang na situation report nito, sinabi ng NDRRMC na may 337 pamilya o 960 indibiduwal ang nakasama sa preemptive evacuation sa munisipalidad ng Lal-lo, Camalaniugan, Baggao, Santa Praxedes, Buguey, Lasam, Ballesteros, at Calayan sa Cagayan province.
Karamihan sa mga bakwit ay mula sa munisipalidad ng Baggao na mayroong 252 pamilya o 717 indibidwal.
Wala namang naiulat na namatay, ayon sa NDRRMC.
Nauna rito, sa naging paggalaw ng bagyong Neneng, isinailalim sa Signal No. 2 ang Batanes, kanlurang bahagi ng Babuyan Islands (Dalupiri Is., Calayan Is., Panuitan Is., Babuyan Is.), at hilagang-kanlurang bahagi ng Ilocos Norte (Bangui, Burgos, Pagudpud, Pasuquin, Bacarra)
Samantala, itinaas naman ang Signal No. 1 sa kanlurang bahagi ng Cagayan (Allacapan, Aparri, Ballesteros, Abulug, Sanchez-Mira, Pamplona, Claveria, Santa Praxedes, Rizal, Lasam), Apayao; hilagang bahagi ng Abra (San Juan, Tayum, Langiden, Lagangilang, Danglas, La Paz, Dolores, Lacub, Tineg, Lagayan, Bangued), ilang bahagi ng Ilocos Norte, at hilagang bahagi ng Ilocos Sur (Magsingal, San Vicente, Santa Catalina, Sinait, San Ildefonso, City of Vigan, Cabugao, Caoayan, San Juan, Bantay, Santo Domingo).
Sa ngayon, tuluyan nang nakalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Neneng.
Huli itong namataan sa 430 km kanluran ng extreme Northern Luzon.
Taglay ang maximum sustained winds na 120 km/h at pagbugsong umaabot sa 150 km/h.
Ayon sa PAGASA ang Southwesterly Surface Windflow na lang ang nakakaapekto bansa partikular na sa Southern Luzon at Visayas.
Ang Ilocos Norte at Ilocos Sur ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa trough ng bagyo
Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog bunsod ng Southwesterly Surface Windflowang mararanasan sa Occidental Mindoro, Palawan at Kanlurang Visayas.
Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa localized thunderstorms. (Daris Jose)
-
Costa Rica, ginulat ang Japan matapos talunin sa nagpapatuloy na FIFA World Cup, 1-0
Ginulat ng bansang Costa Rica na ika-31 sa FIFA world ranking nang pataubin ang ika-24 sa ranking na Japan matapos talunin sa score na 1-0. Dahil dito, buhay pa rin ang pag-asa ng Costa Rica na makalusot round of 16. Nagpanalo sa koponan ang late left-footed effort ni Keysher Fuller. Bigo naman […]
-
Ads September 16, 2023
-
Pinas, hindi isusuko ang teritoryo- PBBM
HINDI isusuko ng Pilipinas ang teritoryo nito. Ito ang tiniyak at binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kahit pa maliliit ang puwersa ng Pilipinas kumpara sa mga “those encountered in the West Philippine Sea.” Sa kanyang pagsasalita sa Western Command of the Armed Forces of the Philippines sa Palawan, malugod na […]