• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahigit 300 posibleng ‘areas of concern’ sa halalan inirekomenda ng PNP – DILG

NASA mahigit 300 posibleng areas of concern sa nalalapit na halalan ang isinumite ng Philippine National Police (PNP).

 

 

Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III ang election hotspots ay tinatawag na aniya ngayong areas of concern.

 

 

Aniya, ang pagdedeklara ng areas of concern ng Commission on Elections ay naantala dahil patuloy na biniberipika ng maigi ng poll body ang sitwasyon sa naturang mga lugar.

 

 

Iniuri ng PNP ang mga lugar sa bansa sa apat na color-coded categories.

 

 

Ang mga lugar na nasa green ay itinuturing na generally peaceful sa pagsasagawa ng halalan.

 

 

Ang mga nasa yellow naman ay nakapagtala ng suspected election-related incidents sa nakalipas na dalawang halalan, posibleng may presensiya ng armadong grupo at intense political rivalries at itinuturing na areas of concern

 

 

Ang mga lugar naman na nasa orange ay mayroong presensiya ng armed groups gaya ng NPA, kung saan itinuturing ang mga lugar na ito bilang areas of immediate concern.

 

 

Samantala ang mga lugar naman na nasa red ay mayroong parameters para sa yellow at orange areas.

 

 

Magpopokus ang security forces sa pag-monitor sa mga lugar na ito na may posibilidad ng violence at intense political fights ng mga lokal na kandidato. (Daris Jose)

Other News
  • PDu30, ayaw sa reenacted budget

    Gustong maipasa ang P4.5-trillion national budget bago ang Oktubre14.   SINABI ng Malakanyang na nais nitong maipasa ng Kongreso ang P4.5-trillion national budget bago ang Oktubre14.   Ayaw kasi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang reenacted budget pagsapit ng taong 2021.   Sinabi ni Presidential Spokes- person Harry Roque kapag naipasa ang national budget ay […]

  • Mas kaunting bilang ng teenage pregnancies dahil sa bigilante, pandemya- POPCOM chief

    TINUKOY ni Commission on Population and Development (POPCOM) officer-in-charge Executive Director Lolito Tacardon  na ang masigasig na pagbabantay ng publiko at ang  coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic  ang mga dahilan kung bakit bumagsak  ang  bilang ng teenage pregnancies  na naitala sa bansa.     Tugon ito ng POPCOM sa ipinalabas ng  University of the Philippines […]

  • Panawagang pagkuha ng drug tests sa showbiz industry, public servants, pinapurihan

    PINAPURIHAN  ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers si Senador Robinhood Padilla sa panawagan nito sa lahat ng government officials at employees, maging mga kasamahan sa showbiz industry na sumailalim sa drug tests, bilang magandang halimbawa sa publiko.     “Atin pong pinupuri si Sen. Padilla sa kanyang position na dapat maprotektahan ang mga […]