• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAHIGIT 5MILYON BAGONG BOTANTE, NAITALA

NAKAPAGTALA na ng 5.77 milyong bagong botante ang Commission on Elections  isang buwan bago ang itinakdang deadline ng voter registration para sa 2022 .

 

 

Ayon may Commissioner Rowena Guanzon malapit na  sa target ng Comelec na maaring makapagrehistrong botante.

 

 

Sa isang forum na inorganisa  ng Catholic Educational Association of the Philippines, inihayag ni Guanzon na mayroon na ngayong “higit sa 60 milyong” rehistradong botante, na may malagpasan pa ang 61-milyong marka noong Mayo 9, 2022 election

 

 

Nauna nang nanawagan ang ilang mambabatas at civic groups na palawigin pa ng Comelec ang voter registration hanggang Oktubre 31 sa gitna na rin ng pandemic.

 

 

Hindi pa tumutugon sa mga panawagan ang Comelec , ngunit kinilala ni Guanzon na naging mahirap para sa mga tao na magtungo sa mga tanggapan ng distrito ng Comelec dahil sa mga COVID-19 restrictions.

 

 

“With the pandemic and the ECQ in NCR and Iloilo, it is getting harder for our people –– especially the older people and those with disabilities –– to go out and register… We have provided for Saturday registration, specifically for students or those who are working, and we hope you young people can take advantage of this with the support of your colleges,” wika ni Guanzon sa mga mag-aaral  at  school administrators.

 

 

 

Sinabi ni Guanzon nitong  Lunes na mayroong 6.3 milyong mga botanteng na-disenfranchised, o ang mga hindi nakaboto sa huling dalawang sunud-sunod na halalan, na nanganganib mawala sa kanilang pagkakataong bumoto maliban kung muli nilang buhayon o reactivate ang kanikang estado sa Comelec.

 

 

 

Binanggit din ni Guanzon na ang online reactivations gamit ang  video calls para iberipika ang pagkakilanlan ng botante  ay bukas na rin sa lalong madaling panahon kung saan uunahin ang mga nakatatanda at may kapansanan.

 

 

“We assure the public that the Commission is quite capable of doing this job of administering elections during a pandemic,” dagdag pa ni Guanzon

 

 

Inanunsyo rin ng Comelec na magsisimula nang tumanggap ng aplikasyon mula sa political parties, civic groups at IT experts  upang lumahok sa pagsusuri ng source code na magagamit para sa  automated election system sa susunod na taon. GENE ADSUARA

Other News
  • PNP at DTI, inatasan ni PBBM na tumulong para mapababa ang presyo ng mga pagkain

    INATASAN  ni PANGULONG Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga ahensya ng gobyerno na lutasin ang mga logistical challenges na kinakaharap ng mga transporter at cargo forwarders ng mga produktong pang-agrikultura para mapababa ang presyo ng mga bilihin sa pagkain.     Inilabas ng Chief Executive ang direktiba sa Department of Trade and Industry (DTI) at […]

  • PDu30, muling nanawagan sa publiko na huwag iboto ang mga old-timers sa Senado

    MULING nanawagan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga botante na alisin na ang mga  old-timers sa Senado na wala namang ginawa habang nanunungkulan.     “Marami diyan sa senado, matagal na, wala na namang ginagawa. From time to time, kunwari may issue magsalita. ‘Yan ang ayaw ko diyan sa mga senador ngayon. Hindi lahat, […]

  • VP Duterte itinangging siya nasa likod ng pagpapakulong kay Walden Bello

    DUMISTANSYA si Bise Presidente Sara Duterte sa mga akusasyon ng grupong Laban ng Masa na ang ikalawang pangulo talaga ang pasimuno sa kasong kinakaharap ng aktibista at dating VP candidate na si Walden Bello.     Lunes kasi nang arestuhin ng Quezon City police si Bello para sa kasong cyber libel na inihain ni Jefrey […]