Mahigit 600,000 trike drivers, makatatanggap ng fuel subsidy
- Published on June 30, 2022
- by @peoplesbalita
MAY kabuuang 617,806 na qualified recipients ang makatatanggap ng fuel cash subsidies sa ilalim ng “Pantawid Pasada Program for Tricycle Drivers”.
Layon nito na mapagaan ang ‘financial woes’ sa gitna ng mataas na presyo ng petroleum products simula pa noong huling bahagi ng nakaraang taon.
Ang paliwanag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año, ang fuel subsidy ay ipamamahagi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga benepisaryo sa pamamagitan ng e-wallet accounts, sangay ng Landbank of the Philippines o off-site payout ng local government units (LGUs).
“Inaasahan namin na sa pamamagitan ng fuel subsidy na ito, maiibsan kahit paano ang paghihirap ng mga tricycle drivers dulot ng sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng krudo at paghina ng biyahe dahil sa Covid-19 pandemic. Ito ang paraan ng pamahalaan para ipamalas ang kanyang pagmamalasakit sa ating mga tricycle drivers,” ayon kay Año.
Sa kabuuang bilang ng mga tricycle drivers-beneficiaries, sinabi ni Año na 67,536 ang mula sa Region 1; 31,638 mula Region 2; 83,621 sa Region 3; 162,500 sa Calabarzon; 30,340 sa MIMAROPA; 35,339 sa Region 5; 59,280 sa Region 6; 11,685 sa Region 7; 6,448 sa Region 8; 9,869 sa Region 9; 8,760 sa Region 10; 8,793 sa Region 11; 21,685 sa Region 12; 6,869 sa Caraga; 68,165 sa NCR; 5,040 sa CAR; at 238 sa BARMM.
Sinabi ni Año, ang first batch ay para sa 539,395 trike drivers na nagbigay ng kanilang e-wallet account; ang second batch ay para sa 73, 233 drivers na nag-avail ng over-the-counter (OTC) transactions sa Land Bank of the Philippines (LBP) branch na malapit sa kanila; at ang third batch ay para naman sa 5,178 drivers na nag-avail ng on-site payout sa LGUs.
“Lahat ng nasa masterlist ng qualified tricycle drivers ay makakatanggap ng fuel subsidy. Hintayin na lang po natin ang abiso ng LTFRB para sa mga detalye at karagdagang impormasyon,” dagdag na pahayag nito.
Matatandaang nagpalabas ang DILG ng Memorandum Circular 2022-047 na inaatasan ang LGUs na mag- produce at magsumite sa DILG ng “validated” list of tricycle drivers; tricycle franchisees; addresses; electronic wallet accounts; at bilang ng operating tricycles at iba pang detalye sa loob ng kanilang respective jurisdictions.
Ang listahan ay dapat na sertipikadong tama mula sa Head of the Tricycle Franchising Board and the head of the local Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) at maging ng concerned city o municipal mayors at vice-mayors.
“Some 766,590 trike drivers had their names submitted for inclusion in the master list but upon validation 148,784 trike drivers nationwide were disqualified due to lack of means of verification (MOVs), such as driver’s license numbers, incomplete e-wallet information, or names submitted after the deadline,” ayon sa Kalihim.
Samantala, hinikayat naman ni Año ang city at municipal mayors na magtatag ng ‘Pantawid Pasada Assistance and Complaint Desk or Hotline’ para tugunan ang mga concerns at reklamo ng mga benepisaryo na nasa listahan at iba pang kahalintulad na concerns sa fuel subsidy program. (Daris Jose)
-
Ads May 7, 2022
-
Ads June 21, 2023
-
LTO Chief ipinag-utos na paigtingin ang anti-overloading operations sa buong bansa
INATASAN ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Vigor D. Mendoza II ang lahat ng enforcer ng ahensya na paigtingin ang operasyon laban sa overloading sa buong bansa. Personal na pinangunahan ni Assec Mendoza ang pagsasagawa ng operasyon sa Quezon City noong Miyerkules ng hapon, Setyembre 18, kung saan 45 sasakyan ang […]