• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahigit 64,000 job vacancies sa bansa at abroad, magbubukas para sa isasagawang job fair kasabay ng Labor Day

AABOT sa mahigit 64,000 job vacancies sa bansa at abroad ang magbubukas kasabay ng pagdiriwang ng Labor day sa Mayo 1.

 

 

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), nasa kabuuang 52,237 trabaho para sa local employment habang nasa 12,248 job vacancies naman sa iba’t ibang bansa.

 

 

Ilan sa pangunahing bakanteng posisyon ngayon para sa local employment ay production at machine operators, customer service representatives, collection specialist, sales agent at promodiser at market research interviewer.

 

 

Para naman sa overseas employment, ang mga bakanteng trabaho na indemand ngayon ay nurses at nurse aides, waiters, household service workers, kitchen helper o assistant cook at salespersons. Ang mga bansang nangangailangan sa nabanggi na mga job vacancies ay sa Middle East, Germany, Poland, United Kingdom, Japan, Taiwan at Singapore.

 

 

Kaugnay nito, magsasagawa ng DOLE ng job fairs sa halos lahat ng rehiyon sa buong bansa sa Mayo 1.

Other News
  • Marvel Drops New Featurette To Celebrates The Movies, Teases ‘Eternals’ First Footage

    MARVEL Studios dropped a new featurette to celebrate the movies, featuring the Marvel Cinematic Universe’s most memorable scenes, and teasing the upcoming films in the MCU’s Phase 4.     The video begins with a series of some of the most heartwarming and awe-inspiring scenes from the MCU, accompanied by the voice of the late Stan […]

  • P9.8 milyong droga naharang sa NAIA

    NAHARANG ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang limang papasok na parcel na naglalaman ng iba’t ibang mapanganib na droga, na misdeclared bilang meryenda, bote, damit, regalo at sleeping bag nitong Biyernes, sa Central Mail Exchange Center sa […]

  • Umabot sa P15 million ang natangay ng scammer: SOFIA, isa sa 100 Pinoy Swifties na nabudol sa “The Eras Tour”

    HIGIT na 100 Pinoy Swifties ang nabudol sa pagbili ng tickets para sa “The Eras Tour” concert ni Taylor Swift na gagawin sa Singapore.     Umabot sa P15 million ang natangay ng scammer sa mga Pinoy fans ni Taylor Swift. Kabilang na rito ay ang Sparkle Teen star na si Sofia Pablo.     […]