• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahigit 84% ng coastline na apektado ng oil spill sa Mindanao, nalinis na ng gobyerno

UMABOT  na sa mahigit 84% ng coastline na apektado ng oil spill sa Mindoro ang nalinis ng gobyerno.

 

 

Iniulat ni Defense Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr. kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Biyernes na   sa 74.71 kilometro ng apektadong coastline, 62.95 kilometro o  84.26% ang nalinis na “as of May 10, 2023.”

 

 

Ang binanggit ni Galvez ay resulta ng miting kasama ang National Task Force (NTF) at Office of Civil Defense (OCD), araw ng Huwebes.

 

 

Base sa 15th technical report ng  Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR),  ang Clusters 4 at 5, kabilang ang mga munisipalidad ng Bongabong, Roxas, Mansalay, Bulalacao, San Teodoro, Baco, at Puerto Galera, ay nasa  “acceptable standards” para sa  fishing activities.

 

 

Ang Clusters 1, 2, at 3, naman kung saan nasa bisinidad ng submerged ship, ay hindi pa rin ligtas na mangisda.

 

 

Tinuran ni Galvez  na nakapagtala ang  OCD ng kabuuang 6,801 litro ng oil waste at 300,603.60 litro ng  oil-contaminated waste na nakolekta sa pamamagitan ng pinagsamang  pagsisikap ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at organisasyon.

 

 

Iniulat ng OCD na inaasahan na darating sa bansa ang siphoning vessel mula  Singapore bago matapos ang buwan jabang ang  oil removal operations ay nakatakdang magsimula sa unang linggo ng Hunyo, tinatayang tatagal naman ng 30 araw.

 

 

Matatandaang sa naging pagbisita ni Pangulong Marcos sa Oriental Mindoro noong nakaraang buwan, inatasan nito ang  Department of the Interior and Local Government (DILG) na makipag-ugnayan at makipagtulungan sa mga lokal na opisyal para sa pagtatalaga ng alternatibong fishing areas.

 

 

Samantala, sinabi naman ni  Galvez na nagbigay ang administrasyong Marcos ng kabuuang P516,873,483 halaga ng maagang recovery assistance sa  96,256 residente na apektado ng  oil spill sa nasabing lalawigan.

 

 

Sinabi rin ni Galvez  sa Pangulo na inaasahan na nito na magpapalabas ng “water test results at corresponding advisory” ang  Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) bago sumapit ang Mayo 15.

 

 

Sinabi pa ni Galvez na na “the Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau will plot water quality test sites on a map for visualization while the Department of Tourism and P&I Correspondent Aqueous Inc. will determine the number of insurance claimants under the tourism industry.”

 

 

“The National Economic and Development Authority, Department of Trade and Industry, and the Department of Labor and Employment will identify alternative livelihood for the affected population,” dagdag na pahayag ni Galvez.

 

 

Nito lamang buwan ng Marso, dumating na sa Oriental Mindoro ang salvage rescue ship ng Japan na may lulang Remotely Operated underwater Vehicle (ROV).

 

 

Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA) dumating sa Calapan Port ang Japanese Dynamic Positioning Vessel (DPV) na SHIN NICHI MARU pasa 6:00 ng umaga ng Lunes (Mar. 20).

 

 

Pagkatapos maiproseso ng mga tauhan ng Coast Guard, PPA, Bureau of Quarantine, Bureau of Immigration, at Bureau of Customs ay agad dumeretso ang barko paputang bayan ng Naujan.

 

 

Ang ROV ay gagamitin para makita ang eksaktong lokasyon at sitwasyon ng lumubog na MT Princess Empress.

 

 

Ang naturang salvage rescue ship ay inupahan ng may-ari ng MT Princess Empress para makatulong na maawat na ang pagtagas ng langis mula sa lumubog na tanker. (DDC) (Daris Jose)

Other News
  • Netflix, promises a Nicholas Sparks-meets-High School Musical vibe with ‘A Week Away’

    THE upcoming Netflix musical is a faith-based feature film set in a Christian summer camp.     Netflix promises a ‘Nicholas Sparks-meets-High School Musical’ vibe with A Week Away.     If you’re looking for an uplifting, inspiring film to watch with the entire family, this upcoming Netflix original might be for you.     […]

  • Ads October 1, 2020

  • Type din niya ang malaking biceps ng ka-loveteam: BARBIE, gustung-gusto ang pagiging maalaga ni DAVID

    TINANONG si Barbie Forteza kung ano ang mga qualities ni David Licauco ang gusto niya.       Lahad ng Kapuso actress, “Ang mga gusto kong qualities ni David, yung ahhh… pag-aalaga niya sa akin ‘pag kami lang dalawa.       “Yung kapagka kunyari, actually isa nga sa mga naalala kong memorable na eksena, […]