Mahigit 9 milyong kabataang menor de edad , bakunado na laban sa Covid-19
- Published on February 16, 2022
- by @peoplesbalita
MAHIGIT sa 9 milyong kabataang may edad 12 hanggang 17 taong gulang ang naka-kumpleto na ng kanilang Covid-19 doses habang 91,000 na may edad 5 hanggang 11 ang nakakuha naman ng kanilang initial shots “as of Monday.”
“There have been no reported serious adverse events following vaccination in the country,” ayon kay National Task Force Against Covid-19 chief Secretary Carlito Galvez Jr.
“Wala po kayong dapat ikabahala,” dagdag na pahayag ni Galvez sa vaccination activity para sa may edad na 5 hanggang 11 sa Theatre at Solaire sa Parañaque City.
Ang pagbabakuna sa pinakabatang age bracket ay nagsimula noong Pebrero 7 gamit ang lower-dosed ng Pfizer jab.
Sa kabilang dako, sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III na ang pagbabakuna sa mga kabataan ay naglalayong payagan ang mga ito na lumabas ng kanilang bahay at makadalo sa mga physical classes at maibalik ang social skills development at cognitive function na apektado ng pandemiya.
“Ako po ay nananawagan sa lahat ng mga magulang sa buong Pilipinas na sige na po, samantalahin na po natin ang pagkakataong ito. Libre, ligtas, epektibo, dekalidad, ang lahat po ng ating mga bakuna,” ayon sa Kalihim.
Aniya, wala ni isa mang kasama sa 8.7 milyong fully vaccinated na kabataan sa ibang bansa ang napaulat na nagkaroon ng seryosong side effects.
Sa Pilipinas, “less than 1 percent” ng bakunadong kabataan ang nakaranas ng mild fever, headache, itchiness, at pananakit ng katawan sa nabakunahang braso.
Sa ngayon, 482 hospital at non-hospital sites para sa pediatric vaccination ang nakabukas sa buong bansa, 82 mula sa nasabing bilang ay matatagpuan sa Kalakhang Maynila.
“Hindi po kumpleto ang proteksyon ng pamilya kung si bunso ay hindi bakunado. Ngayon, pwede na tayong mag-staycation at bumisita sa ibang areas dahil bakunado na sina lolo, lola, tatay at nanay, kuya at ate, at si bunso,”ang pahayag ni Galvez. (Daris Jose)
-
Utang ng Pilipinas lalo pang tumaas; pumalo na sa P12.09-T – Bureau of Treasury
LALONG sumipa ang pagkakautang ng Pilipinas sa halos P12.1 trilyon sa pagtatapos ng Pebrero 2022 sa pagtaas ng foreign at local borrowings at pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar. Ito ang ibinalita ng Bureau of Treasury matapos itong lumagpas sa higit P12 trilyon sa kauna-unahang pagkakataon noong Enero. Kung hahatiin, […]
-
TUMAKAS NA SOUTH KOREAN SA DETENTION CELL, NAHULI NA, 2 PA NAARESTO
NATAGPUAN ng Bureau of Immigration (BI) ang South Korean na tumakas mula sa kanyang detention cell sa Bicutan, Taguig City. Ayon sa elemento ng BI intelligence division (ID) and fugitive search unit (FSU), naaresto si Kang Juchun, 38, sa kanyang condominium unit sa N. Domingo St. sa Brgy. Ermitano, San Juan City ng […]
-
Team Phlilippines matindi ang laban sa 2023 Southeast Asian Games
DETERMINADO ang Cambodia na maging overall champion ng 32nd Southeast Asian Games na kanilang pamamahalaan sa susunod na taon. Sa katunayan ay inihayag ang host country ang paglalatag ng 608-event, 49-sport sa bienial meet na idaraos sa Phnom Penh at Siem Reap sa Mayo 5-16 sa 2023. Sinabi rin ng Cambodia […]