• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahigit isang bilyong halaga ng subsidiya, naipamahagi na ng LTFRB sa mga tsuper at operators

UMABOT na sa mahigit isang bilyong piso ang naipamahagi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ayuda para sa mga tsuper at operators sa ilalim ng fuel subsidy program.

 

 

Batay sa datos ng LTFRB, sumampa na sa P1,089,176,500 ang kabuuang halaga ng fuel subsidy na naibigay sa mga tsuper at operators sa buong bansa, simula inumpisahan ito ng pamahalaan.

 

 

Ito ay napakinabangan ng mga tsuper at operator ng kabuuang 166,597 units ng mga pampublikong sasakyan.

 

 

Ang Fuel Subsidy Program(FSP) ay isang programa ng pamahalaan na nagbibigay ng pinansyal na tulong sa mga tsuper at operators ng mga pampublikong sasakyan, sa layuning maibsan ang epekto ng labis na pagtaas ng presyo ng langis.

 

 

Ayon sa LTFRB, magpapatuloy pa rin ito, sa pagnanais na maibsan ang pasanin ng mga tsuper sa buong bansa.

 

 

Nagpapatuloy din umano ang koordinasyon ng naturang ahensiya sa state-owned Land bank of the Philippines na siyang nagdi-distibute ng mga subsidiya sa mga kwalipikadong benepisyaryo. (Daris Jose)

Other News
  • Bulkang Taal itinaas sa Alert Level 2 dahil sa ‘increasing unrest’

    Matapos ang halos isang taon, iniakyat muli ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Alert Level 2 ang Bulkang Taal matapos ang serye ng papatinding ligalig magmula pa noong nakaraang buwan.     Umabot na sa 866 shallow volcanic tremor episodes at 141 low-frequency volcanic earthquakes ang ipinamamalas ng bulkan magmula pa noong ika-13 […]

  • Palipaparan sa Bicol region bukas na … NDRRMC naka-alerto sa Bagyong Kristine

    NAKA-alerto ngayon ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) kasunod ng pananalasa ng Bagyong Kristine.     Ayon kay NDRMC Spokesperson at Office of the Civil Defense (OCD) Director Edgar Posadas ang pagsailalim sa red alert status ng ahensiya ay upang masiguro na natututukan ang mga panganganilangan sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng […]

  • EJ balik-training sa Oktubre

    “Vitaly said this is going to be my last time going here before Paris. He already planned the things we need to do,” sabi ni O­biena sa kanyang courtesy call kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman Noli Eala.     Huling narito sa bansa ang Pinoy pole vaulter ay noong 2019 kung saan niya dinomina […]