• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahigit kalahating bilyong kita sa bigas, inaasahan – NFA

Tinataya ng National Food Authority (NFA) ang mahigit sa kalahating bilyong kita mula sa mga naibenta nitong bigas ngayong 2024.

 

 

Yan ay makaraang aprubahan ng NFA council ang price hike na P38 kada kilo ng bigas na ibinibenta sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang ahensya ng gobyerno.

 

 

Sinabi ng NFA, pinayagan ng DSWD na miyembro rin ng council ang nasabing halaga ng produkto.

 

 

Ayon kay Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na makatutulong ito para maibsan ang pagkalugi ng NFA at magkaroon ng dagdag na pondo upang makabili pa ng mas maraming palay mula sa mga magsasaka.

 

 

Tiniyak naman ni NFA Administrator Larry Lacson na ang pagtaas ng presyo sa DSWD, pati na rin sa iba pang mga ahensya ay hindi makakaapekto sa presyo ng bigas sa merkado.

 

 

Ang anumang polisiya anila ay dumaan sa angkop na konsultasyon at pag-apruba ng mga angkop na tanggapan. (Daris Jose)

Other News
  • Ads April 30, 2022

  • Ni-reveal na three years ago binigay ang prison drama project: JERICHO, excited nang masimulan ang pagbibidahan na international film na ‘Sellblock’

    EXCITED na si Jericho Rosales na masimulan ang pagbibidahan na international prison drama na “Sellblock.”     Ni-reveal ng aktor na three years ago pa raw binigay sa kanya ang project at gustung-gusto na raw niyang gawin ito.     “It’s always very exciting to do new things, especially groundbreaking projects and I felt that […]

  • K-Pop Group RED VELVET, BINI, LADY PIPAY, at BGYO bibida sa advocacy concert na ‘Be You! The World Will Adjust’

    HANDA na ang lahat para sa espesyal na advocacy concert na hangarin ang i-promote ang mental health awareness para sa mga taong may special needs na pinamagatang Be You! The World Will Adjust (An Extraordinary Celebration For People With Special Needs) sa Hulyo 22 (Biyernes, 7:00 p.m.) sa SM Mall Of Asia Arena at ito ay inisyatibo […]