Mahigit P1 bilyong piso sa educational aid, naipamahagi na
- Published on September 20, 2022
- by @peoplesbalita
PUMALO na sa mahigit P1 bilyong piso ang naipamigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga indigent learners.
May kabuuang P1,033,610,800 na education assistance ang naipamahagi sa bansa mula Agosto 20 hanggang Setyembre 17, 2022.
Tinatayang may 414,482 estudyante ang nakinabang mula sa programa kabilang na ang 136,349 college students, 58,502 senior high school, 92,856 junior high school, at 126,775 elementary students.
Nito lamang Setyembre 10, inanunsyo ng DSWD na isinara niya ang online application para sa educational assistance program para sa indigent students bunsod ng mataas na volume ng aplikasyon laban sa limited available funds. (Daris Jose)
-
SSS sa mga miyembro, magsimula nang mag-impok para sa retirement
HINIKAYAT ng State-run Social Security System (SSS) ang mga miyembro nito na simulan na ang mag-impok para sa kanilang retirement sa ilalim ng muling ipinakikilalang savings program na maaaring umani ng mas mataas na annual return. Sa isang kalatas, sinabi ni SSS president at CEO Rolando Macasaet na ang mga miyembro ay […]
-
Sa sweet photo na pinost ni JULIA: GERALD, nilalait ng netizens dahil tumaba at tumatanda na
NAG-SHARE uli si Julia Barretto sa kanyang IG post ng sweet photo nila ni Gerald Anderson, na kung saan nakatitig siya sa aktor. May mga natuwang netizens dahil kitang-kita talaga na in love na in love sa isa’t-isa. Meron din namang patuloy na nanglalait sa relasyon ng dalawa, pati ang hitsura ni Gerald […]
-
Panuntunan ukol sa doble o sobrang ayuda na natanggap ng mga benepisyaryo ng 4Ps
Ipinababatid ng DSWD na ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps na muling nakatanggap ng ayuda ng Social Amelioration Program mula sa pondo ng DSWD sa pamamagitan ng pamahalang lokal ay magkakaroon ng pagbabago o adjustment sa kanilang buwanang cash grant mula sa regular na implementasyon ng 4Ps. Ang mga benepisyaryo […]