• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahigit P11M halaga ng tulong, naipamahagi na sa mga biktima ng lindol sa Mindanao

NAIPAMAHAGI  na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mahigit sa  P11 milyong halaga ng  tulong sa mga pamilya na labis na naapektuhan ng malakas na lindol na tumama sa ilang bahagi ng Mindanao, araw ng Biyernes.

 

 

Sa katunayan, tinatayang may 1,1015 benepisaryo ang nakatanggap ng  food packs sa munisipalidad ng Don Marcelino at Sarangani sa Davao Occidental habang may 2,800 food boxes  naman ang naipamahagi na sa bayan ng Glan, at General Santos City sa  Sarangani.

 

 

Nagbigay din ng pinansiyal na tulong sa 2,317 residente mula sa bayan ng  Glen at Malapatan, at General Santos City.

 

 

“The DSWD remains steadfast in our mission to provide timely and efficient assistance to communities affected by the earthquake,” ayon kay DSWD Spokesperson Romel Lopez.

 

 

“Food packs and other essential items have been strategically prepositioned and are ready for immediate distribution,” dagdag na wika nito.

 

 

Samantala, makikita sa pinakabagong data mula sa  National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na pumalo na sa siyam ang naiulat na nasawi sa magnitude 6.8 na lindol na tumama sa Davao Occidental nitong Biyernes.

 

 

Ayon sa NDRRMC, walo sa naiulat na nasawi ay mula sa Soccsksargen at isa naman sa Davao Region.

 

 

Umabot naman sa 15 indibidwal ang naiulat na sugatan.

 

 

May kabuuang 12,885 indibidwal o 2,489 pamilya sa 43 barangay sa Soccsksargen at Davao ang apektado ng lindol.

 

 

Napinsala rin sa lindol ang 826 tahanan—729 partially at 97 totally—maging 118 imprastraktura, base sa NDRRMC.

 

 

Apektado rin dito ang kabuhayag ng 50 magsasaka at mangingisda sa Soccsksargen.

 

 

Naibalik naman ang power supply sa 21 apektadong lugar.

 

 

Dahil sa lindol, suspendido ang 14 klase at limang work schedules.

 

 

Naipaabot naman ang P11,612,558 tulong sa mga biktima, ayon sa NDRRMC.

 

 

Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Linggo (PH time) ang Philippine government officials na tiyakin ang patuloy na pagbuhos ng relief efforts para sa mga biktima ng nasabing lindol. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Zero casualty’ sa Eleksyon 2025, target ng gobyerno -Remulla

    TARGET ng gobyerno na magkaroon ng casualty-free elections sa 2025.   Sa katunayan ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla ay inatasan siya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na trabahuhin ang kaligtasan at seguridad ng mga kandidato at publiko para sa nalalapit na halalan sa bansa.   […]

  • Hindi ako ang PBA GOAT – “The Kraken”

    PAHINGA na si June Mar Fajardo dahil sa injury sa halos buong 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020, pero nagmarka na siya sa nakalipas taon na maaaring mas mataas pa sa kanyang 6-foot-10 na tangkad.   Katotohanan ito nang pang-anim na sunod niyang Most Valuable Player award na tinanggap sa Leopoldo Prieto Awards 444h PBA […]

  • PDU30, inanunsyo na ang pagreretiro sa pulitika

    INANUNSYO na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang pagreretiro sa pulitika.   Ang pahayag na ito ng Pangulo ay isinagawa ilang minuto matapos maghain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si Senador Bong Go.   “In obedience to the will of the people who after all placed me in the presidency many years ago […]