• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahigit P21-M na halaga ng pinsala sa agrikultura sa bansa dahil sa pananalasa ng Bagyong Aghon

AABOT sa mahigit Php21-million na halaga ng tinamong pinsala ng sektor ng agrikultura sa naging pananalasa ng Bagyong Aghon sa Pilipinas.

 

 

 

Batay sa inilabas na monitoring update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, papalo sa kabuuang Php21,651,548 ang halaga ng iniwang Agricultural damage ng naturang bagyo sa bansa.

 

 

 

Sa datos, nasa kabuuang 369 na mga magsasaka at mangingisda ang tinatayang lubha rin na naapektuhan ng nasabing sama ng panahon matapos masira rin ang aabot sa 292.9 hectares ng mga pananim, gayundin ang mga napinsalang livestock, poultry, at fisheries na tinatayang may katumbas na halaga na aabot sa Php448,300.

 

 

 

Samantala, kaugnay nito ay tiniyak naman ng pamahalaan na magpapatuloy pa rin ang kanilang mga ipinaaabot na tulong para sa mga indibidwal na naapektuhan ng nagdaang kalamidad partikular sa mga nasa industriya ng agrikultura upang matulungang muling makabawi ang mga ito sa kanilang mga nawasak na kabuhayan nang dahil sa Bagyong Aghon. (Daris Jose)

Other News
  • 3 MANGINGISDA, NASAGIP NG COAST GUARD

    NASAGIP  ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang anim na mangingisda sa kasagsagan  ng bagyong Dante sa Northern Cebu.     Ayon sa PCG-Tudela Station, naputol ang propeller ng motorbanca na sinasakyan ng mga pumalaot na mangingisda kasabay ng malakas na pag-ulan.     Dahil dito, nagpalutang-lutang ang kanilang motorbanca hanggang mapadpad sa […]

  • Tinanghal na ‘Outstanding Asian Star’: KIM, ‘di napigilang umiyak nang i-alay ang parangal kay DEO

    HINDI napigilang umiyak ni Kim Chiu nang banggitin niya ang pangalan ng namayapang si Deo Endrinal na isa sa pinasalamatan niya nang tanggapin niya ang Outstanding Asian Star award sa 2024 Seoul International Drama Awards.   Personal na tinanggap ni Kim ang nasabing award at talagang naglaan siya ng panahon para makarating sa bayan ng […]

  • Na-challenge sa role ni former Pres. Ferdinand Marcos: CESAR, binigyan lang ng seven days para makapaghanda

    LAST Sunday, July 17, isinagawa na ng Viva Films ang mediacon ng Maid in Malacanang” na dinirek ng controversial young director na si Darryl Yap sa Manila Hotel.     Dinaluhan ito ng cast ng movie na sina Cesar Montano as President Ferdinand Edralin Marcos, Ruffa Gutierrez as Mrs. Imelda Romualdez-Marcos, Cristine Reyes as Imee […]