• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahigit sa 1.4-B DSWD disaster relief funds, naka-standby para kay ‘Rosal’

TINIYAK ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na mayroong P1.4 bilyong halaga ng standby funds ang Central Office, Field Offices, at National Resource Operations Center bukod pa sa stockpiles bilang paghahanda sa pananalasa ni tropical depression Rosal.

 

 

Maliban pa dyan, may mahigit na  547,000 family food packs ang nakahanda para ipamahagi sa local government units na mangangailangan.

 

 

“Tinitingala tayo ng mga tao and we are expected to do our job. And our job is to respond to every calamity or disaster,” ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo sa idinaos na coordination meeting kasama ang  FOs regional directors.

 

 

Sa nasabing miting, sinabi ni Tulfo na nakahanda ang DSWD na magbigay ng  technical at resource assistance sa  LGUs na maaapektuhan.

 

 

Ayon sa  5 p.m. bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), araw ng Linggo, Disyembre 11, napanatili ni Rosal ang lakas nito habang kumikilos patungong  northeastward ng Philippine Sea.

 

 

Habang patuloy na kumikilos papalayo si Rosal mula sa  Philippine landmass, asahan na ang maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan at  kulog sa ilang bahagi ng Luzon partikular na sa Quirino, Aurora, Quezon, Marinduque, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, at Camarines Norte.

 

 

“Aside from rain showers caused by the trough of Rosal, the tropical depression is less likely to bring heavy rains in the country throughout the forecast period,” ayon sa PAGASA. (Daris Jose)

Other News
  • CREMATORIUM FACILITY, NASUNOG

    NASUNOG ang isang single storey  crematorium facility  sa Manila North Cemetery  Martes ng madaling araw.     Ayon sa Bureau of fire protection umabot sa unang alarma ang sunog. Tinatayang aabot sa P20,000 ang pinsala ng sunog at  wala namang nasaktan  sa insidente.     Nagsimula umano ang sunog sa kanang gitnang bahagi ng human […]

  • Tourism industry tuluyan ng bumabalik ang sigla – DoT

    MALAKI ang tiwala ng Department of Tourism (DOT) na tuluyan ng babalik ang sigla ng turismo sa bansa.     Ito ay matapos na magtala nasa 1.7 milyon na international arrivals sa bansa mula Enero hanggang Abril ngayong taon.     Sinabi ni Tourism Secretary Maria Cristina Frasco, na ang nasabing bilang ay mas mataas […]

  • Tentative list ng mga kandidato para sa 2022 polls inilabas na ng Comelec

    Inilabas na ng Commission on Elections (Comelec) ngayong araw ng Biyernes, Oktubre 29, ang tentative list ng mga kandidato para sa national at local elections sa 2022.     Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na maari nang makita ang tentative list ng mga kandidato para sa halalan sa susunod na […]