• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahigit sa 60% nais ang code of conduct, alisin ng Tsina ang militia sa WPS -Pulse Asia

MAHIGIT sa 60% ng mga Filipino ang nais na gamitin ang code of conduct na magsisilbing gabay sa aksyon ng mga claimants sa South China Sea, at para alisin ng Tsina ang coast guard at militia nito sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas para pagaanin ng tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.

 

 

 

Ito ang makikita sa survey ng Pulse Asia noong Mayo.

 

 

 

Sa tanong kung ano dapat gawin ng Tsina para pagaanin ang tensyon sa West Philippine Sea (WPS), lumalabas na 64% ng mga respondents ang nagsabi na dapat pumayag ang Tsina sa COC para gabayan ang aksyon ng mga bansa ng umaangkin sa teritoryo at katubigan sa nasabing lugar.

 

 

 

Tinatayang 61% naman ang nagsabi na dapat na alisin ng Tsina ang coast guard at militia vessels nito na gumagala sa “our territory and maritime areas that based on international law are part of our exclusive economic zone.”

 

 

 

Mayroon namang 49% ang nagsabi na dapat bayaran ng Tsina ang mga nasirang coral reefs ng Pilipinas sa WPS.

 

 

 

Kinumpirma naman ni Pulse Asia president Ronald Homes na nagsagawa ang polling firm ng commissioned survey kung saan nanggaling ang natuklasan.

 

 

 

Tinatayang 1,200 Filipino adults ang nagpartisipa sa survey na ginawa mula May 5 hanggang May 9, 2024.

 

 

 

May 39% naman ang nagsabi na dapat na kagyat na kumilos at gumawa ng hakbang para masiguro na ang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina ay ‘equitable’ o pantay-pantay at 23% naman ang nagsabi na dapat palawakin ng Tsina ang investments nito sa bansa lalo na sa ‘manufacturing at agriculture.’

 

 

 

Sa kabilang dako, sa kapareho pa ring survey, may 41% ng mga adult Filipino ang nagsabi na dapat na ipagpatuloy ng Pilipinas ang ‘diplomatic discussions’ nito sa Tsina tungo sa pag-develop ng COC para gabayan ang aksyon ng claimant states sa pinagtatalunang teritoryo.

 

 

 

Samantala, 33% naman ang nagsabi na dapat ay magpanukala ng isang resolusyon sa United Nations General Assembly para makakuha ng suporta mula sa mayorya ng miyembro nito para mapilitan ang Tsina na sumunod sa 2016 arbitral ruling na in-award sa Pilipinas.

 

 

 

May 17% naman ang nagsabi na dapat ay kapwa sumang-ayon ang Pilipinas at Tsina na dapat ay may tagapamagitan na magpapanukala ng isang kasunduan na gagabay sa aksyon habang 8% ang naniniwala na dapat na mag-request ang Pilipinas ng military support mula sa Estados Unidos dahil sa agresibong aksyon ng Tsina, sa pamamagitan ng umiiral na Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

 

 

 

Tinatayang 1% naman ang nagsabi na wala silang sapat na kaalaman sa usapin para magbigay ng opinyon.

 

 

 

Samantala, patuloy namang nananawagan ang Pilipinas sa Tsina ukol sa paulit-ulit na agresyon nito sa WPS kabilang na rito ang banggaan at pagpapaputok ng water cannon sa Philippine vessels.

 

 

 

Umiigting naman ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina nito lamang nakalipas na buwan matapos magbatuhan ng akusasyon ukol sa serye ng insidente sa WPS.

 

 

 

Inaangkin kasi ng Tsina ang karamihan sa South China Sea, may bahagi nito ay inaangkin din Pilipinas, Brunei, Malaysia, Taiwan, Vietnam at Indonesia. (Daris Jose)

Other News
  • DEREK, nag-react at napikon nang tanungin kung ‘di ba nagseselos si AUSTIN kay ELIAS

    NAKATUTUWA ang IG post ni Derek Ramsay na buhat-buhat niya si Ellen Adarna na may caption na, “My big baby tuko!!❤❤❤”     Na sinagot naman ni Ellen ng, “Ur the biggest tuko lol.”     Kung anu-ano nga ang naging comment ng netizens at followers sa post na ito ni Derek, kaya nagtalu-talo na […]

  • Task force COVID-19 head Defense Sec. Lorenzana, nagpositibo sa COVID

    Kinumpirma ngayon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagpositibo rin siya sa COVID-19.     Sa kanyang statement nitong Martes ng gabi iniulat ni Lorenzana, na siya ring head ng National Task Force against COVID-19, lumabas daw sa resulta ng kanyang RT-PCR test na siya ay positibo.     Dahil dito, pansamantala munang sasailalim sa […]

  • BBM: MURANG BIGAS SA BAWAT HAPAG-KAINAN NG PAMILYANG PINOY

    TINIYAK ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., na magkakaroon ng murang bigas na hanggang P20 kada kilo sa kanyang administrasyon matapos siyang manalo sa darating na halalan sa Mayo 9.     Ayon kay Marcos, isa sa pangunahing layunin niya ay magkaroon ng subsidiya ang presyo ng bigas sa […]