• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAHIGPIT NA IPATUTUPAD ANG ELECTION GUN BAN SA MM

Tiniyak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na mahigpit nilang ipatutupad ang election gun ban sa Metro Manila simula Enero 9.

 

 

Ayon kay NCRPO chief Police Major General Vicente Danao Jr., lahat daw ng klaseng baril na mayroong license at permit to carry ay hindi na dapat ilabas sa bahay ng gun owners bilang pagsunod sa gun ban ng Commission on Elections (Comelec).

 

 

Kung maalala, kamakailan ay nag-isyu ang Comelec ng Resolution 10728 na nagbabawal sa hindi otorisadong paggamit ng mga baril at bodyguards habang papalapit ang May 9, 2022 elections.

 

 

Ipinagbabawal sa naturang resolusyon ang pagdadala, pagbiyahe ng mga firearms o deadly weapons sa labas ng bahay o sa mga negosyo maging sa lahat ng public places mula Enero 9 hanggang Hunyo 8, 2022.

 

 

Ang gun ban ay mayroon ng kabuuang 150 calendar days.

 

 

Sa ilalim ng resolusyon, ang PNP, Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG) at mga miyembro ng law enforcement agencies lamang ang exempted sa gun ban.

 

 

Pero kailangan muna nilang kumuha ng authorization mula sa Comelec at kailangan ding magsuot ng agency-prescribed uniform habang naka-duty sa election period.

 

 

Kaya naman mahigpit ang bilin ni Danao sa mga personnel ng law enforcement agencies na gumamit ng tamang uniporme para maiwasan ang ano mang gulo.

 

 

Una nang siniguro ng PNP na magpo-focus ang mga ito sa pag-kontrol sa paglaganap ng illegal firearms at paggamit ng bodyguards ng mga pulitiko para siguruhin ang mapayapa at maayos na halalan sa Mayo.

 

 

Maliban dito, sa ano mang oras ay magche-check din umano ang PNP ng vaccination cards ng ating mga kababayan na lalabas sa kanilang mga bahay. (Gene Adsuara)

Other News
  • Babaeng football referee sa Japan labis ang kasiyahan matapos mapili na maging referee sa World Cup

    LABIS ang kasiyahan ni Yoshimi Yamashita matapos na mapili bilang kauna-unahang babaeng professional football referee ng Japan.     Ang 36-anyos na si Yamashita ay napiling magiging referee ng World Cup na gaganapin sa Qatar sa buwan ng Nobyembre.     Kasama nitong napili sina Stephanie Frappart ng France at Salima Mukansanga ng Rwanda.   […]

  • Slash price ‘yun na ka-presyo ng parking slot… CARLA, nilinaw na hindi P2M lang ang binebentang posh condo unit

    KLINARO ni Carla Abellana na hindi totoong P2M ang presyo ng pag-aaring condo unit sa may The Grove by Rockwell na matatagpuan sa E. Rodriguez Jr. Avenue, Pasig City.     Matatandaang pinost ni Carla ang kabuuan ng video ng unit niya noong Pebrero 28 para ipakita sa pubiko dahil ibinebenta na niya ito o […]

  • Kai Sotto pumuntos ng 8 points pagbalik sa Adelaide

    Malaking tulong si KAI Sotto mula sa bench para sa Adelaide 36ers nang talunin nila ang Melbourne United, 91-86, sa 2022-23 NBL season noong Huwebes sa John Cain Arena.   Umiskor ang Filipino center ng walong puntos sa 17 minutong paglalaro, kasama ang apat na rebounds, isang assist, at isang steal.   Ito ay isang […]