• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maiksing curfew, mahabang mall hours asahan – MMDA

Payag ang mall owners na pahabain ang kanilang operating hours ngayong Christmas season, upang makatulong sa pag-iwas sa mabigat na trapiko sa mga lansangan, ayon ito kay Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos nitong Lunes.

 

 

Sinabi ni Abalos na pataas nang pataas ang bilang ng mga sasakyan sa EDSA na magbubunga ng mas mabigat na daloy ng trapiko kaya kinausap nila ang mall owners sa ganitong aksyon.

 

 

Iginiit din aniya, ng mall operators na problema umano rito ang curfew at limited capacity na pinapayagan sa mga public utility vehicles (PUVs).

 

 

Ayon naman kay Abalos na nakatakda silang magpalabas ng resolution tungkol sa curfew na napagkasunduan na rin ng Metro Manila mayors., Maging ang public transport naman ay itinaas na sa 70% capacity ng Inter-Agency Task Force (IATF).

 

 

Una nang hiniling ni Abalos sa mall operators ang pagpapahaba ng ­operating  hours at huwag magsagawa ng sale kapag weekdays at sa halip ay weekends at holidays na lamang upang hindi maapektuhan ang daloy ng trapiko at matulungan ang pagbangon ng ekonomiya.

 

 

Ang curfew na ipinapatupad sa rehiyon ay nagsisimula ng alas-12 ng ha­tinggabi hanggang alas-4 ng madaling araw.

 

 

“In fact, nag-uusap na ang mga alkalde as we are talking right now. Inaayos  na rin ‘yung draft of the resolution, if ever. Nagkakabotohan kasi. Pagkaboto nila, I have to draft the resolution. And then, they will have to sign it, by e-signature, bawat isa,” ani Abalos. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Mas mabigat na parusa sa mga law enforcers na sangkot sa pagtatakip sa krimen, isinulong

    ISINUSULONG  ng isang mambabatas ang panukalang pagataw ng mas mabigat na parusa sa law enforcers at ibang persons in authority na sangkot sa pagtatakip o paggalaw sa ebidensiya sa mga kaso na may kaugnayan sa drugs at iba ang heinous crimes.     Sa panukala ni Bicol Saro Partylist Rep. Brian Raymund Yamsuan, nais nitong […]

  • Department of Transportation, iaalok na rin ang fare discount

    IAALOK na rin sa piling mga ruta sa buong bansa ang proposed fare discount para sa public utility vehicles o (PUVs) na ipatutupad sa darating na Abril.     Matatandaan na nakikipagtulungan na ang ahensya ng transportasyon sa Land transportation franchising and regulatory board at sa mga lokal na pamahalaan upang matukoy ang mga ruta […]

  • Paglahok ni Hidilyn sa national open sa Bohol, exhibition lamang – SWP

    BABANDERA  ang Pinay Olympian at gold medalist na si Hidilyn Diaz-Naranjo sa gaganaping Smart-Samahang Weightlifting ng Pilipinas National Open Championship na magsisimula ngayong hapon sa Tagbilaran, Bohol.     Sa interview kay Samahang Weightlifting ng Pilipinas President Monico Puentevella, nilinaw nito na exhibition muna ang gagawin ng bagong kasal lamang na si Hidilyn.     […]