• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAINE, halos walang pahinga sa pagti-taping ng tatlong shows; malapit nang bumalik sa ‘Eat…Bulaga!’

SAAN kaya kumukuha ang ilan sa mga showbiz vloggers ng balita nilang wala na raw contract si Phenomenal Star Maine Mendoza sa Triple A (All Access To Artists) ng APT Entertainment

 

 

Kaya nagtanong kami sa Triple A kung ano ang totoo at ito ang sagot nila: “Blessed lang talaga ang ating phenomenal star sa dami ng blessings na dumating sa kanya sa taong ito.            

 

 

Halos walang pahinga si Maine dahil sa mga shows niyang ginagawa ngayon, ang #Maine Goals sa Cignal TV at TV5 atPoPinoy sa TV5, na magkakaroon na ng grand finals sa November 7, plus ang Daddy’s Girl sa GMA-7, na pare-parehong kailangan niyang i-tape.”

 

 

Sa ngayon daw ay may mga inaayos pa rin silang bagong shows na gagawin ni Maine, at very soon ay ia-announce nila ang mga projects na iyon.

 

 

Sa mga nakaka-miss na kay Maine sa Eat Bulaga, malamang daw na sa Octoer 28, ay mapapanood na sa noontime show.

 

 

***

 

 

LAST October 17, Kapuso actress Bea Alonzo turns 34, pero last October 14, special guest siya sa Mars Pa More nina Camille Prats at Iya Villania-Arellano, kaya na-excite si Bea dahil muli silang nagkita-kitang tatlo na dating mga Kapamilya, nang bigyan siya ng special birthday celebration.

 

 

Ikinagulat ni Bea ang surprise birthday greetings ng star builder na si Mr. Johnny Manahan na ang wish sa kanya ay magkaroon siya ng very successful career sa GMA Network.  Naging emosyonal si Bea dahil si Mr. M daw ang unang nagtiwala sa kakayahan niya, 20 years ago sa ABS-CBN.

 

 

      “Mr. M. I love you so much, alam na alam mo iyan, super, na-emotional ako,” naiiyak na sagot ni Bea dahil matagal na rin pala silang hindi nagkikita ng star builder.

 

 

Pero ngayon ay sigurado na sila laging magkikita dahil magkasama na sila sa GMA.  Kung noon daw ay inakay siya ni Mr. M nang nagsisimula pa lamang siya, ngayon ay tiyak daw na susuportahan  siya nito dahil isa ngang consultant si Mr. M tungkol sa mga talents at projects na gagawin ng GMA Network.

 

 

***

 

 

NAPAKA-PROFESSIONAL ni Klea Pineda, wala siyang tinatanggihang role, kahit mahirap, basta maipapakita niya ang kanyang talent, tinatanggap niya.

 

 

At dito nga sa bagong episode ng Stories From the Heart: Never Say Goodbye,  kung nakita ninyo ang photo niyang kalbo (pero beauty pa rin), hinarap daw niya ang challenges ng role niya, bukod pa sa mga dramatic scenes na ginawa niya.

 

 

Mahirap ba ang role at hindi ba siya naapektuhan?

 

 

“Hindi po, pinag-aralan ko po iyon na maging open ang puso at isip ko sa character na gagampanan ko,” sagot ni Klea.

 

 

“At thankful po ako sa mga kasama ko sa serye lalo na iyong mga advices na ibinibigay sa akin ng mga matagal na sa industriyang ito. Mas nakatulong pa sa akin sa mga mada-dramang eksena na kalbo ako, dahil feel na feel ko ang ang hugot ng character ko.”

 

 

Kasama rin ni Klea sa serye sina Snooky Serna, Max Eigenmann, Herlene Budol, Luke Conde, Shermaine Santiago, Kim Rodriguez, Mosang at Phytos Ramirez.

 

 

Mapapanood ito at 3:25PM after ng Nagbabagang Luha sa GMA-7.

(NORA CALDERON)

Other News
  • “PAW PATROL: THE MIGHTY MOVIE” BREAKS GUINNESS WORLD RECORDS TITLE FOR MOST DOGS ATTENDING A FILM SCREENING!

    LOS ANGELES, September 24, 2023 – Two paws up for PAW Patrol: The Mighty Movie breaking the GUINNESS WORLD RECORDS official title for Most Dogs Attending a Film Screening in honor of its release, only in theaters October 11, 2023. Families and their furry friends came together to break the record for “Most Dogs Attending A Film […]

  • Fuel subsidy sa trike drivers, pabibilisin – DOTr

    PABIBILISIN  ng Department of Transportation (DOTr) ang pamamahagi ng fuel subsidy sa libu-libong tricycle dri­vers na hindi pa natatanggap ang bahagi nila sa P2.5 bilyon na inilaan ng pamahalaan.     Ayon kay Sen. Alan Peter Cayetano, pinag-usapan nila ni DOTr Sec. Jaime Bautista kung paano mapapabilis ang pamamahagi ng subsidy dahil hirap na hirap […]

  • CHR: ‘Wag magpakalat ng maling impormasyon

    NANAWAGAN ang Commission on Human Rights sa publiko na huwag magpakalat ng maling impormasyon.   Ginawa ng CHR ang pahayag makaraang lumabas ang sagot ng isang netizen laban sa umano’y mapanlinlang na post ng isang komedyante noong 2017.   Nabatid na kumalat sa social media ang isang post na nagtatampok sa pahayag ng komedyanteng si […]