MAINE, kaabang-abang ang gagawing mga tasks o goals mula sa kanyang checklist na tampok sa ‘BuKo Originals’
- Published on July 7, 2021
- by @peoplesbalita
SA pagsasanib-puwersa ng Cignal TV Inc. at APT Entertainment Inc. isang bagong comedy channel ang malapit nang matunghayan ng mga manonood para maghatid ng 24/7 na feel-good entertainment at walang katapusang saya.
Simula ngayong ika-2 ng Agosto, magbubukas na ang BuKo (Buhay Komedya), ang kauna-unahan at nag-iisang 24/7 local comedy channel na handog ang refreshing lineup ng comedy classics, hit sitcoms, gag shows, at all-new original programs na pagbibidahan ng mga hinahangaang artista at talento sa bansa.
Ang BuKo ay may hatid na refreshing blend ng comedy at lifestyle shows na mahahati sa tatlong programming blocks: ‘BuKo Originals’, ‘Tawang Pinoy Klasiks’, at ‘Throwback Tawanan’.
Authentic Pinoy humor at creativity ang tampok sa BuKo Originals tulad ng #MaineGoals, isang lifestyle-oriented show ng phenomenal star na si Maine Mendoza kung saan gagawin niya ang mga tasks o goals mula sa kanyang checklist.
Kabilang din sa programming block na ito ang Kusina ni Mamang na hosted ni Pokwang, at ang kuwelang News Patol na magre-report ng mga patolang balita, iho-host ito nina Jose Manalo at Wally Bayola.
Hatid naman ng Tawang Pinoy Klasiks ang mga well-loved Pinoy comedy classics gaya ng Iskul Bukol, Wow Mali, Bubble Gang, OGAG, Loko Moko, Tropang Trumpo, at iba pang comedy TV hits.
Sa Throwback Tawanan naman matutunghayan ang ibat-ibang sikat na comedy series at game shows na kinagigiliwan ng mga manonood, katulad ng Pidol’s Wonderland, Celebrity Samurai, Mac and Chiz, Sugo mga Kapatid, at marami pang iba.
Sa unique mix ng classic, well-loved, at mga bagong programa ng BuKo, siguradong hatid ng bagong comedy channel na ito ang feel-good na bonding para sa buong pamilya.
“Cignal TV Inc. is committed to continuously provide the best possible content for our viewers. It is an honor for us to partner with APT Entertainment, a stalwart in the industry when it comes to providing entertainment that resonates with Filipino audiences.
“With our collaboration to produce BuKo, and with it historically being the first 24/7 local comedy channel in the country, we are further fueled by our shared passion to create and offer quality programming and top-notch entertainment for all,” pahayag ng FVP/Head for Channels and Content Management ng Cignal TV na si Sienna Maris G. Olaso.
Katulad din ng Cignal TV Inc., ibinabahagi ng APT Entertainment ang karangalan sa pagbubuo ng BuKo at sa paghahatid ng unique content para sa bagong comedy channel.
“In these unprecedented times when Filipinos need to be entertained more than ever, we are pleased to work with Cignal in bringing BuKo to life. Through this new comedy channel, we take pride in offering highly entertaining content that will fill homes with collective laughter as families spend quality time watching our shows on BuKo,” tugon naman ng CEO & President ng APT Entertainment na si Michael Tuviera.
Ang Buko Channel ay opisyal na magbubukas ngayong August 2, 2021 sa Cignal TV Channel 2 at SatLite Channel 2. Puwede ding ma-access ang BuKo sa Cignal Play app, available sa App Store atGoogle Play. Para sa Cignal postpaid and prepaid subscription inquiries, bumisita sa http://cignal.tv.
Ang Cignal Plan ay available for Prepaid 100 and Postpaid 250, habang ang SatLite Plan starts at P49.
(ROHN ROMULO)
-
Umaming nagtampo kay Boy kaya nag-apologize ang TV host: BEA, ‘di na maaatim na makipagkaibigan pa kay GERALD tulad kay ZANJOE
HINDI nga maaatim pa ng Kapuso actress na si Bea Alonzo na makipagkaibigan sa dati niyang boyfriend na si Gerald Anderson na nag-ghosting sa kanya. Sa naging panayam kay Bea ng King of Talk para sa newest Kapuso show na “Fast Talk With Boy Abunda” last Thursday, January 26, nabanggit nga ni Kuya […]
-
Ads March 14, 2022
-
Hawaan ng COVID-19 sa NCR, bumagal
BUMABA pa sa 1.2 na lamang ang COVID-19 reproduction number sa Metro Manila hanggang noong Enero 19, mula sa dating 2.95 noong nakalipas na linggo. Sa kabila nito, nilinaw naman ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na nananatili pa rin ang rehiyon sa “very high risk” classification kaya’t pinayuhan ang mga mamamayan […]