MAINE, may katambal na rin sa comedy show nila ni VIC sa katauhan ni YASSER MARTA
- Published on January 7, 2022
- by @peoplesbalita
FINALE night na mamaya ng romantic-drama series na The World Between Us nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Tom Rodriguez, Sid Lucero, Dina Bonnevie at Ms. Jaclyn Jose.
Kaya mas excited na ang mga netizens kung ano ang gagawin ni Louie (Alden) para maipaghiganti ang mga pananakit na ginawa ni Eric (Sid) kay Lia (Jasmine), na halos patay na ito nang abutan niya, sumumpa siya sa sarili na siya ang maghihiganti para kay Lia, kahit patayin pa niya si Eric.
Hindi pa natatauhan si Lia sa mga inabot na sakit nito mula kay Eric, na kahit ang doctor ay hindi pa makapagbigay ng assurance kung matatauhan pa siya.
Will it be a happy ending ng love story nina Louie at Lia, na mapapanood at 8:50PM, sa GMA-7, after ng I Left My Heart in Sorsogon.
Meanwhile, marami nang netizens ang nakikiusap sa GMA kung pwedeng unahin na nila ang teleserye na pagtatambalan nina Bea Alonzo at Alden.
Naiinip na raw sila, kung matutuloy pa ba ang movie na dapat ay first project nila together after nilang nag-sign ng contract sa Viva Films, GMA Pictures at APT Entertainment last July, 2021, mga producers ng movie, na adaptation ng isang Korean series.
***
WISH granted sa new Kapuso actress na si Beauty Gonzalez na makatambal niya sa isang project si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
Sila ang magkatambal sa nagbabalik na serye ng GMA, ang I Can See You, sa episode nitong “AlterNate” na first time na gaganap si Dingdong ng dual role at first time niyang makakasama sina direk Ricky Davao at actress-wife nitong si Jackie Lou Blanco.
Binigyang-credit din ni Dingdong ang outstanding portrayal ng stand-in actor na kasama niya sa mga eksena nila: “gusto ko lang sabihin na hindi rin mabubuo itong ‘AlterNate’ kung hindi dahil sa literal na alternate ko. Mystery pa kung sino siya na ipakikilala naming after the run. Napakahusay niya and I respect him so much and excited na ako na maipakita siya sa mga televiewers soon.”
Nagpasalamat naman si Dingdong sa asawang si Marian Rivera, na siya namang naiwan niya sa mga anak nilang sina Zia at Sixto, habang nasa 30-day lock-in taping ng serye niya. At hindi lamang iyon, madalas magpadala si Marian ng mga pagkaing niluluto nito na pinagsasaluhan nila sa set ng mga co-stars niya.
Muling idinirek ni Dominic Zapata si Dingdong sa ICSY: AlterNate after nilang ginawa ang Pinoy adaptation ng Descendants of the Sun last year.
Sa Monday, January 10 ang world premiere ng serye, after ng I Left My Heart in Sorsogon.
***
LAUNCHED as GMA Artist Center in 1995, may new name na ito, ang ‘Sparkle.’
Ilan sa mga most luminous names in Philippine showbiz that they produced, ay sina Alden Richards, Heart Evangelista, Julie Anne San Jose, Barbie Forteza, and Ken Chan, to name a few.
After two and a half decades, this 2022, they promise of housing the country’s biggest stars and honing its up-and-coming artists. It is spearheaded by Mr. Johnny Manahan together with Ms. Gigi Santiago-Lara, Senior Assistant Vice President for Alternative Productions.
Ayon kay Mr. M, “Only the brightest stars sparkle. Our aim is to leave a little Sparkle wherever we go.”
***
SA wakas ay naikuha na rin si phenomenal star Maine Mendoza ng bagong katambal para sa comedy show nilang Daddy’s Gurl ni Vic Sotto.
Dati kasi ay may weekly guests lamang sila every Saturday ng katambal ni Maine as Stacy. Simula ngayong Saturday evening, after ng Magpakailanman, makikilala na ang new leading man niya, si Yasser Marta.
Wala pang detalye kung ano ang role na gagampanan ni Yasser, pero nakasama na raw siya ni Maine noon pa sa isang project, kaya magkakilala na sila.
(NORA V. CALDERON)
-
CHED, nagpahayag ng interes na busisiin ang k-12 program sa bansa
NAGPAHAYAG ng interes ang Commission on Higher Education (CHED) na busisiin ang pagiging epektibo ng K-12 program sa bansa. Ginawa ni CHED Chairman Prospero de Vera ang naturang pahayag ng tanungin hinggil sa posisyon nito sa isinusulong na pagbuwag sa K-12 system. Paliwanag ng opisyal na ipinatupad ang K-12 program bago […]
-
Nagulat nang malaman ang nangyari sa kaibigan: CARLO, ipinagdarasal na malampasan ni SANDRO ang pagsubok
KAIBIGAN pala ni Carlo San Juan si Sandro Muhlach na nasasangkot ngayon sa isang malaking kontrobersiya. Naging magkaibigan sila dahil sa Sparkle. Noong nalaman niya ang nangyari, ano naging reaksyon niya? “Siyempre nalungkot po ako kasi kaibigan ko yun e, parang ayun po yung nangyari sa kanya. Ayun […]
-
Kapalaran ni Obiena sa SEA Games di pa tiyak – POC
Hinihintay pa ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino ang desisyon ng World Athletics para mapayagang makasali si Pinoy pole vaulter EJ Obiena. Dagdag pa nito na wala sanang pagdaranan na mahabang proseso si Obiena sa pagsali sa nasabing biennial event kung pinayagan ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) […]