• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAINE, Walang kaalam-alam sa naganap na zoom party; ARJO, nag-post ng short but sweet birthday message

WALA talagang kaalam-alam ang tinaguriang Dubsmash Queen na si Maine Mendoza sa in-organize na surprise Zoom party ng kanyang talent management na All Access to Artist (Triple A).

 

 

Na kung saan dumalo ang mga taong malapit sa kanya (pamilya at kaibigan), kabilang ang kanyang loyals fans para maagang I-celebrate ang 26th birthday ilang araw bago mag-March 3.

 

 

Sa post ni Maine sa kanyang Twitter account, ipinakita niya ang naganap na zoom party at labis siyang nagpapasalamat sa lahat na nag-effort na batiin siya sa kanyang kaarawan.

 

 

“BIIIG THANKS to the people behind tonight’s surprise Zoom birthday party; to my management (All Access to Artist) for putting it all together; to my family, friends and supporters for the loooove! Thank you for this #newnormal birthday paandar.

 

“Heart suit. #aMAINEzingAt26 #tuhray,” post ng Eat Bulaga Dabarkads.

 

 

Noong Miyerkules, mismong birthday ni Maine sa Eat Bulaga, bumaha na naman ng cakes na mula sa mga fans na makikita sa facebook page ng noontime show.

 

 

Samantala, bukas (March 6) na matutunghayan ang kauna-unahang pagsasama nina Maine at Arjo Atayde sa isang TV show.

 

 

Tiyak na aabangan ng mga followers ang kanyang birthday special sa Kapuso sitcom na Daddy’s Gurl na kung saan nag-guest nga ang kanyang boyfriend na nag-post ng short but sweet birthday message.

 

 

Post ni Arjo sa kanyang IG account, “I just never want to stop making memories with you. I love you! Happy Birthday, Bubby.” (ROHN ROMULO)

Other News
  • 15 na ang patay pati suicide bomber, halos 80 na sugatan sa twin bombings sa Jolo, Sulu

    Binulabog ng dalawang magkasunod na malakas na pagsabog ang Jolo, Sulu.   Ayon sa mga otoridad unang sumabog ang isang bomba dakong alas-11:58 ng umaga sa Brgy. Walled City, Jolo.   Iniulat naman ng PNP na ang ikalawang pagsabog ay naganap pagsapit ng ala-1:00 ng hapon na hindi lamang kalayuan sa unang explosion (100 meters) […]

  • Halaga ng pinsalang iniwan ng STS ‘Kristine’ sa mga paaralan sa PH, umabot na sa P3.3-B –DepEd

    UMABOT na sa P3.3 billion imprastraktura ang halagang iniwang pinsala ni Severe Tropical Storm (STS) ‘Kristine’ sa kabuuang 38,333 na paaralan sa Pilipinas ang naapektuhan ayon sa Department of Education (DepEd).   Sa partial na datos ng DepEd aabot sa P2.7 billion ang pag-reconstruct ng mga naapektuhan na classroom at karagdagang P680 million para naman […]

  • DA mangangailangan ng P27.1-B para sa mga programa vs ASF, pagpaparami ng baboy sa Phl

    Aabot sa P27.1 billion ang kakailanganin na pera ng Department of Agriculture (DA) para sa kanilang mga programa kontra African swine fever at sa pagpaparami ulit ng bilang ng baboy sa bansa sa loob ng tatlong taon.     Sa joint hearing ng House Committees on Agriculture and Food at Trade and Industry, sinabi ng […]