• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAINE, Walang kaalam-alam sa naganap na zoom party; ARJO, nag-post ng short but sweet birthday message

WALA talagang kaalam-alam ang tinaguriang Dubsmash Queen na si Maine Mendoza sa in-organize na surprise Zoom party ng kanyang talent management na All Access to Artist (Triple A).

 

 

Na kung saan dumalo ang mga taong malapit sa kanya (pamilya at kaibigan), kabilang ang kanyang loyals fans para maagang I-celebrate ang 26th birthday ilang araw bago mag-March 3.

 

 

Sa post ni Maine sa kanyang Twitter account, ipinakita niya ang naganap na zoom party at labis siyang nagpapasalamat sa lahat na nag-effort na batiin siya sa kanyang kaarawan.

 

 

“BIIIG THANKS to the people behind tonight’s surprise Zoom birthday party; to my management (All Access to Artist) for putting it all together; to my family, friends and supporters for the loooove! Thank you for this #newnormal birthday paandar.

 

“Heart suit. #aMAINEzingAt26 #tuhray,” post ng Eat Bulaga Dabarkads.

 

 

Noong Miyerkules, mismong birthday ni Maine sa Eat Bulaga, bumaha na naman ng cakes na mula sa mga fans na makikita sa facebook page ng noontime show.

 

 

Samantala, bukas (March 6) na matutunghayan ang kauna-unahang pagsasama nina Maine at Arjo Atayde sa isang TV show.

 

 

Tiyak na aabangan ng mga followers ang kanyang birthday special sa Kapuso sitcom na Daddy’s Gurl na kung saan nag-guest nga ang kanyang boyfriend na nag-post ng short but sweet birthday message.

 

 

Post ni Arjo sa kanyang IG account, “I just never want to stop making memories with you. I love you! Happy Birthday, Bubby.” (ROHN ROMULO)

Other News
  • Suportado nina Ice, Lara at Martin: RYAN GALLAGHER, magtatanghal ng first major concert sa Manila

    MAGHANDA para sa isang pasabog na concert ng The Voice USA season 19 Fan favorite na si Ryan Gallagher sa “The Voice of Ryan” na gaganapin sa Music Museum sa Pebrero 17, 2024.   Kilala sa kanyang nakakaakit na classical voice, at sa nakakikilabot na pag-awit nya ng “The Prayer” ni Andrea Bocelli at Celine […]

  • Pilipinas may ipapadalang 20 atleta para sa Asian Winter Games

    MAGPAPADALA  ang Pilipinas ng 20 atleta para sa 9th Asian Winter Games. Gaganapin ito sa darating na Pebrero 7-14 sa Harbin, China. Layon ng mga atletang Pinoy na makakuha ng medalya para sa 2026 Winter Olympics. Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino na nakakamit na ng gintong medalya ang bansa sa […]

  • EJ Obiena ‘wagi ng gold medal sa torneyo sa Sweden

    MULI na namang nakasungkit ng gold medal ang Pinoy pole vaulter at Olympian na si EJ Obiena matapos magtala ng 5.92 meters sa ginanap na torneyo sa Taby Stavhoppsgala sa Sweden.     Nalampasan ni Obiena ang dati niyang personal best na 5.85 meters doon sa Italy.     Kung maalala noong buwan lamang ng […]