MAJA, ‘di pa pinag-iisipan kung tuluyan nang magiging Kapuso
- Published on December 1, 2021
- by @peoplesbalita
MARAMING nagtatanong kung hindi pa ba magiging Kapuso si Maja Salvador?
Sa ngayon kasi ay napapanood si Maja daily sa Eat Bulaga, may sarili siyang segment doon, ang dance contest na “DC2021: Maja On Stage” na may three days silang live, Thursdays to Saturdays, na pagkatapos ay nagti-tape naman sila ng three days na ipalalabas nila from Mondays to Wednesdays.
Pero may show pa rin si Maja, ang teleseryeng Nina, Nino sa TV5, kaya siguro hindi pa siya nag-iisip kung lilipat na siya nang tuluyan sa GMA.
Busy rin kasi si Maja sa itinayo nilang Crown Artist Management ng boyfriend niyang si Rambo Nunez, na ang first prime talent nila ay si John Lloyd Cruz. May bago rin siyang endorsement, ang Beautederm.
Pero gusto ni Maja na dalawin nilang magkakapatid ang Mommy nila na nagtatrabaho sa Canada at ayaw umuwi rito dahil sayang daw ang kinikita niya roon.
Baka tapusin muna ni Maja ang finals ng dance contest niya sa EB saka sila aalis dahil medyo raw mahirap ang pagpa-process ng papers papuntang Canada, kaya nadi-delay ang pag-alis nila.
***
MASAYA na ang mga fans ng mga Kapuso stars na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos dahil natupad na ang wish nilang mapanood na magkatambal na ang kanilang mga idolo sa isang serye sa GMA Network.
Ngayon ay natupad na ang kanilang wish dahil nag-world premiere na ang first serye nila, ang “Stories From the Heart: Love On Air,” noong Monday, November 29, sa GMA Afternoon Prime, pagkatapos ng “Las Hermanas” sa GMA-7.
Matatandaan na matagal nang naghihintay ang mga fans nila, matapos pansamantala munang na-hold ang isang serye na dapat ay nasimulan nila noong kalilipat pa lamang ni Khalil sa Kapuso Network. Pero nagpasalamat din sila dahil hindi naman nawalan ng projects ang dalawa dahil madalas silang mag-guest sa ibang shows ng GMA.
Sa serye, gaganap sina Gabbi at Khalil, bilang mga DJs sa isang radio station, cute couple sana sila bilang sina Wanda at Joseph respectively, pero ano kaya ang mangyayari sa kanila kaya magiging bitter-bitteran si Wanda pagdating sa love?
Makakasama nila sa cast sina Kate Valdez, Psalms David, Kiray Ceslis, Jason Francisco, Yasser Marta, Anjo Damiles at Sunshine Cruz.
***
MARAMING humanga kay Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na nagpakita ng husay sa acting nang mag-guest siya sa new episode ng “Wish Ko Lang,” hosted by Vicky Morales last Saturday, November 27.
Pero bago pa nag-sign ng contract si Rabiya sa GMA Network, at bago siya nag-join ng Miss Universe Pageant, nag-guest host muna siya sa “Eat Bulaga” at sa “All-Out Sundays.” Nang bumalik siya ng Pilipinas from the pageant, nag-guest at nagpatawa naman si Rabiya sa “The Boobay and Tekla Show,” habang nakikipagkulitan sa mga hosts na sina Boobay at Tekla.
At last Saturday, ipinakita na ni Rabiya, na kaya niyang makipagsabayang umarte, kasama ng mga guests sa true-to-life stories sa “Wish Ko Lang” na sina Jeric Gonzales, Kim Rodriguez, Sue Prado at Lovely Rivero.
Si Rabiya rin ang napili ni Sen. Bong Revilla na maging bagong leading lady niya sa pagbabalik ng book two ngaction-fantasy series na “Agimat Ng Agila” sa January, 2022.
Ano kaya ang role na gagampanan ni Rabiya sa serye, may gagawin din kaya siyang action scenes tulad ni Sanya Lopez sa first book?
(NORA V. CALDERON)
-
Full audit at investigation sa Oplan Double Barrel
NANAWAGAN si House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas sa Commission on Audit (COA) na magsagawa ng isang komprehensibong audit sa Oplan Double Barrel ng Duterte administration kasunod ng naging pagbubunyag ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office general manager Royina Garma. Garma ukol sa cash rewards kada pagpaslang sa war on […]
-
Tsina, “most important partner” ng Pinas- PBBM
PARA Kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang China ang “most important partner” ng Pilipinas sa kabila ng tensyon sa West Philippine Sea (WPS). “It is a good start, and we will continue to work on this most important relationship with this most important partner of the Republic of the Philippines,” ayon kay Pangulong […]
-
COVID-19 tumaas ng 36 percent – DOH
PATULOY ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,821 bagong kaso mula Disyembre 5 hanggang 11. Ito ay mas mataas ng 36 percent kung ikukumpara sa mga kasong naitala noong Nobyembre 28 hanggang Disyembre 4. Sa national COVID-18 case bulletin, nasa […]