• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Makaapekto kaya sa kanyang career?: MARICEL, idinawit ni Sen. BATO sa ipinagbabawal na gamot

ABALA na sa paghahanda ang Lungsod ng Maynila para sa 50th Metro Manila Film Festival.

 

İsa sa natuwa siyempre ay ang aktor at kasalukuyang bise alkalde ng Maynila na si Yul Servo. Ayon kay VM Yul lahat naman daw ng mga kasamahan niyang namumuno ay masaya dahil naibalik daw sa Maynila ang naturang filmfest dahil dito naman daw talaga ito nagsimula.

 

Kaya ganun na lang ang ginagawa nilang paghahanda para maibalik ang sığla ng mga para sa naturang Manila Film Festival, huh!

 

“Siyempre naghahanda ang bawat departamento na tutugon sa pagse-celebrate ng Metro Manila Film Festival natin,” banggit pa niya.

 

Panigurado pa ni VM Yul na bago raw ang taunang Metro Manila Film Festival ay may magaganap munang Manila Film Festival.

 

“Tuloy ito. Ngayon naman, ‘yung The Manila Film Festival (TMFF) na noong nakaraang taon, ibinalik. Tapos ngayon, gagawin uli,” dagdag pa niya.

 

Kung last year ay full length ang entries, na gawa ng mga estudyante. This time, short films naman daw.

 

“Eight schools pa rin ang gagawa ng 20 minutes na entries. Tapos meron tayong apat na mga professional na director na gagawa rin ng 20 minutes na films,” sabi pa ni Vice Mayor Yul.

 

Pinag-uusapan na rin daw nila ang tax exemptions at permit sa mga kalahok na pelikula.

 

Ang Manila Film Festival ay ipinagdiwang tuwing Hunyo kasabay sa Araw ng Maynila.

 

Matandaang talumpung taon na ang nakararaan nung nangyari ang MFF scam, huh!

 

***

 

MARAMI ang nag-aabang sa magiging epekto kay Diamond Star Maricel Soriano sa recent na mga pahayag ni Senator Bato dela Rosa allegedly linking her to the issue on drugs?

 

Marami ang nagtatanong kung bakit daw kaya lumalabas ang mga balitang ganito ngayon.

 

Kumbaga ayon pa sa isang kilalang showbiz personality sana nga lang daw ay hindi ito makaapekto kasipagan ngayon ni Maricel na very active pa naman ngayon sa paggawa ng programa sa telebisyon at pelikula.

 

Well…

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Nadal nagkampeon sa Italian Open laban kay Djokovic

    Nakuha ni Rafael Nadal ang kampeonato ng Italian Open 2021 matapos talunin si Novak Djokovic.     Ito na ang pang-10 Italian Open title sa torneo na ginanap sa Rome.     Nangibabaw ang Spanish tennis star sa score na 7-5, 1-6, 6-3 para tuluyang ilampaso ang Serbian tennis great.     Agad na bumangon […]

  • P200-M hiling ng ECOP sa gov’t bilang ayuda sa nagsarang SMEs para makabayad sa 13th-mo. pay

    Nagpapasaklolo ang grupo ng mga employers sa gobyerno na tulungan ang mga maliliit na negosyo na posibleng hindi makapagbigay ng 13th month pay sa pagsapit ng buwan ng Disyembre.     Inamin ni Sergio Ortiz-Luis Jr., presidente ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP), inihahanda na nila ang sulat at idadaan sa DTI na sana […]

  • Backriding sa tricycle, pwede na uli sa valenzuela

    PINAPAYAGAN na ulit ng Local Government ng Valenzuela City ang back-riding o pag-angkas sa mga pampasaherong tricycle sa lungsod.   Ayon kay Mayor Rex Rex Gatchalian, alinsunod sa ordinansa No. 810 Series of 2020, dapat lamang ay may nakakabit na non-permeable transparent barrier, tulad ng plastic cover sa pagitan ng driver at pasaherong nakaangkas.   […]