• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Makati LGU bibigyan ng trabaho ang mga jeepney drivers sa pagbubukas ng klase

Kukunin ng city government ng Makati ang ilang mga jeepney drivers ng lungsod na hindi nakapagpasada dahil sa coronavirus pandemic.

 

Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, magiging katuwang ang mga jeepney drivers sa inilunsad nilang mobile learning hub ng lungsod.

Makakasama nila ang mga guro at librarian na naglalayong matulungan ang mga mag-aaral at magulang na makasabay sa blended learning.

 

Nakipag-ugnayan na ang city government sa Makati Jeepney Operators and Drivers Association (MJODA) para sa rerentahan nilang jeep.

 

Sa inisyal ay mayroon 27 jeepney drivers na kukunin na mag-iikot sa mga barangay kapag magsisimula na ang klase sa buwan ng Oktubre.

 

Sinabi naman ni Rita Riddle, ang program director ng Makati Education Department, magbabayad sila ng P2,000 kada araw sa mga jeep.

 

Maaaring umabot pa sa 100 drivers sa bawat linggo ang kanilang kukunin, depende sa rekomendasyon ng MJODA.

 

Sa pagbubukas ng klase sa Oktubre, ang mga dyip na ginawang mobile learning hubs ay mag-iikot sa mga barangay, sakay ang mga guro at librarian, pati na mga libro at iba pang learning materials at mga laptop na may internet connection.

 

Ang pangunahing pakay nito ay ang mga mag-aaral na walang gadget o anumang learning tool, at mga magulang na mahihirapang gabayan at turuan ang kanilang mga anak gamit ang self-directed learning modules.

 

Sa ngayon, nalagpasan na ng Makati ang target enrolment nito at umabot na sa halos 83,000 ang mag-aaral na nakapag-enrol sa public elementary at high schools ng lungsod. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Mga mamamayan, hinimok na paigtingin pa ang pagkamakabayan sa harap ng mga hamon sa ating bansa – DFA

    HINIKAYAT ni DFA Sec. Enrique Manalo ang mga mamamayan na panatilihin ang maalab na pagmamahal sa bansa, ngayong nahaharap tayo sa maraming mgaa hamon.       Ang mensahe ay kasabay ng pagdiriwang ng bansa sa 126th Philippine Independence.       Ayon sa kalihim, mahalagang mapanatili ang ating pagtutok sa kalayaan, kinabukasan at kasaysayan […]

  • ‘Maria Clara at Ibarra’, finalist sa entertainment category ng 2023 New York Festivals TV & Film Awards

    MUKHANG magiging busy year ang 2023 para kay Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.       Bukod kasi sa pagiging host ng two top-rating shows sa GMA Network, ang daily game show na“Family Feud” at ang informative show na “Amazing Earth” every Saturday  balitang inihahanda na rin ng GMA Public Affairs’ film, ang “Fireply,”     […]

  • Basketball coach John Thompson Jr, pumanaw na, 78

    Pumanaw na ang unang Black basketball head coach na si John Thompson Jr sa edad 78.   Hindi na binanggit pa ng kaanak nito ang sanhi ng kamatayan nito basta ang sinabi lamang na nagkaroon ito ng problema sa kalusugan.   Hindi na binanggit pa ng kaanak nito ang sanhi ng kamatayan nito basta ang […]