• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Makeover sa Manila Bay gamit ang dolomite sand, matatapos

TINIYAK ng Malakanyang na matatapos ang makeover ng Manila Bay gamit ang dinurog na dolomite sand sa kabila ng ulat na ang artificial sand na inilalagay ng pamahalaan ay nawa-washed out lang papuntang karagatan.

 

Ang environment department ay naglaan ng pondo para sa nasabing proyekto.

 

“The Bayanihan Law, which allows President Rodrigo Duterte to realign funds to the COVID-19 response, is not applicable to the dolomite budget because it has been committed,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

 

“Pupuwedeng ma-realign ang ilang mga pondo na hindi pa po siya naa-align for a specific purpose. Pero ito po, completely bidded out and partially executed, so kinakailangan pong tapusin iyan,” dagdag na pahayag nito.

 

Sa ulat, hinikayat ng Oceana Philippines ang environment department na atasan ang contractor nito na itigil na ang paglalagay ng dolomite sa Manila Bay, at sa halip ay gamitin ang project funds para sa COVID-19 crisis.

 

Sinabi ng advocacy group na na-washed out at nabalik sa karagatan ang dolomite na inilagay sa nasabing lugar noong nakaraang taon.

 

Ayon sa DENR, naglagay sila ng “geotubes” sa nasabing lugar para panatilihin ang dolomite sa nabanggit na lugar at masyado pa aniyang maaga para sabihin na ang artificial sand ay humulas at nawala na. (Daris Jose)

Other News
  • Comelec walang kapangyarihan na tumanggi sa voter registration extension – Lagman

    Binigyan diin ni Albay Rep. Edcel Lagman na hindi maaring tumanggi ang Commission on Elections (Comelec) sa extension ng voter registration process.     Sa ilalim kasi aniya ng iniakda niyang batas, ang Republic Act No. 8189 o “The Voter’s Registration Act of 1996,” mayroong hanggang Enero 9, 2022 ang poll body para isagawa ang […]

  • 4 opisyal, pinakakasuhan ng Blue Ribbon Committee sa sugar importation fiasco

    INIREKOMENDA ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagsasampa ng administrative at criminal charges laban sa isang Agriculture official at tatlong Sugar Regulatory Administration (SRA) officials kaugnay sa kontrobersyal na Sugar Order No. 4.     Kabilang sa mga pinakakasuhan sa Office of the Ombudsman sina Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian, SRA administrator Hermenegildo Serafica, dating Sugar […]

  • Batas vs red tagging

    Kaisa si House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa panukala ni Senador Panfilo Lacson na gawing krimen ang red-tagging.   “I agree with Sen.Lacson in criminalizing red-tagging, in particular for government officials and employees who use government funds and resources  to vilify and attack progressives, artists, critics of the administration, […]