• October 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAKIBAHAGI SA BLOOD DONATION DRIVE SA CHINESE GENERAL HOSPITAL

Bilang isa sa mga unang salvo ng paggunita sa Blood Donors Month ngayong July 2020 alinsunod sa Presidential Proclamation No. 1021 (1997, President Fidel Ramos), gaganapin ang isang blood donation drive sa Chinese General Hospital College (CGH College) sa darating na July 11, 2020, araw ng Sabado mula ika-pito ng umaga hanggang ika-dalawa ng hapon.

 

Ang CGH College ay nasa F. Blumentritt Road, Santa Cruz, Manila, katabi ng CGH Medical Arts Building at kilalang landmark ang Manila North Cemetery.

 

 

Dahil sa lumalaking pangangailangan sa dugo, lalong-lalo at nagsimula na ang Dengue months sa panahon ng tag-ulan at habang tayo ay patuloy na nakikipaglaban sa Corona virus Disease-2019, nagtulungan para isagawa ang proyekto ang Dugong Alay, Dugtong Buhay, Incorporated (DADBI) na pinamumunuan ng masipag na si Napoleon “Nap” Marilag at inyong lingkod na isang honorary member at ang Philippine Chinese Charitable Association, Incorporated (PCCAI), na siyang may-ari at nagpapatakbo ng CGH Medical Center na pinangungunahan nina Dr. James Dy, Antonio Tan, Kelly Sia, Dr Samuel Ang at Dr. Benito Goyokpin.

 

 

Bukas po ang blood donation campaign sa lahat ng nagnanais na magbahagi ng kanilang dugo.
Simple lamang po ang proseso na gagawin, karagdagan lamang ang mga health protocol na susundin ng mga DADBI at PCCAI-CGHMC organizer sa pangunguna ni CGHMC deputy administrator and Vice President Gracita “CheChe” Javier alinsunod sa pinaiiral ng ating Department of Health at ng Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Disease.

 

Susuriin po kayo ng mga doctor ng CGHMC upang malaman kung kayo ay may sapat na tulog, tamang timbang, maayos at normal na blood pressure, walang bagong tattoo sa loob ng isang taon, walang maintenance drugs o depende sa iniinom, hindi sumalang sa bagong operasyon, walang menstruation sa mga babae, at hindi nagbigay ng dugo sa nakaraang tatlong buwan.

 

Masusi rin pong sasailalim sa pagsusuri ang makukuhang dugo kung ito ay mayroong syphilis, HIV, hepatitis at HTLV (human T-lymphotropic virus) na nagdudulot ng karamdaman sa dugo o sa nerve system.
Sa mga lalahok sa blood donation, maliban sa merienda at tubig, pagkakalooban din kayo ng tumbler, tig-isang box ng ferrous sulphate para sa iron deficiency anemia at calcium carbonate.

 

Ang mga gamot ay handog mula sa inyong lingkod at PDG (past district governor) Dr. Robert Sy, project manager ng Lions Quest, MD 301, na isa ring PCG auxiliary at ang kabiyak niyang si PDG Marissa Sy, MD301-A4 sa koordinasyon ni Lion President Sol Flores Jr. at ang DOH.

 

Kinakailangan ninyong magsuot ng face mask, habang daraan kayo sa proseso ng thermal scanning, paglalagay ng alcohol o paghuhugas ng kamay, at oobserbahan po ang social distancing.

 

Ang mga tauhan ng ospital na haharap sa inyo ay nakasuot ng kanilang PPE (protective personal equipment).
Makatutulong kung kayo na magdo-donate ng dugo ay may sapat na tulog, anim hanggang walong oras, naka-inom ng 16 oz na tubig bago magpakuha ng dugo, nakapaligo nang maayos, kung maaari ay naka-short sleeves lamang o t-shirt, hangga’t maaari ay dapat nakapantalon ang mga kababaihan, at nakapag-agahan para maiwasan ang pagkahilo.
Kahit tumigil ang ekonomiya at namalagi tayo sa bahay ng tatlong buwan, hindi naman tumigil ang pangangailangan ng mga kababayan natin sa dugo, kaya lubhang mahalaga ang pakikiisa ninyo sa ating blood donation campaign, marami kayong masasagip na buhay.

 

Ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na tayo sa ating mga bayani na lalahok sa darating na July 11, 2020.
Magkita-kita po tayo sa CGH College.

Other News
  • ‘Tár’ New Trailer Showcases Cate Blanchett Performance, Earned Her Oscar Buzz

    THE new trailer for the Cate Blanchett vehicle Tár shows off the powerhouse performance that has earned her Oscar buzz.   Blanchett is an actress known for her versatility and range, with her abilities spanning from thrillers like 1999’s The Talented Mr. Ripley to dramas like 2015’s Carol to TV miniseries like FX’s Mrs. America, […]

  • Organizer ng Beijing Winter Olympics hindi na magbebenta ng tickets

    TULUYAN ng kinansela ng China ang plano nito na magbenta ng tickets sa publiko para sa Winter Olympics.     Ito ay dahil sa patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 kung saan natiala ang mataas na bilang sa Biejing.     Ayon sa Beijing organizing committee na inalala nila ang kalusugan at kaligtasan ng […]

  • Nasa gitna sa pagsasawalang-bisa ng kasal nila ni Tom: CARLA, hati ang opinyon sa kontrobersyal na isyu ng diborsyo

    CONSERVATIVE si Carla Abellana, kaya hati ang opinyon niya sa kontrobersyal na isyu ngayon sa Pilipinas, ang gawing legal sa ating bansa ang divorce.   Hindi todo ang suporta niya sa usaping diborsyo, kaya nga lamang, si Carla mismo ay nasa gitna ng divorce proceedings dahil may nakasumiteng diborsyo sa Amerika ang dati niyang karelasyong […]